Mayor Narding de Leon, tinaguriang ‘Alamat sa Bayan ng Angat’

0
366
An opinion column by Louie C. Angeles

DAHIL sa pagiging mahusay sa panunungkulan ni Mayor Narding de Leon ay laging nakakamit niya ang tagumpay tuwing may halalan. Kaya naman tinagurian na siyang alamat ng kasaysayan sa Bayan ng Angat.

Hindi na talaga matatawaran ang kanyang pagpapahalaga sa bawa’t Angatenyos na anumang hinaing ng mamamayan ay agad na tinutulungan alkalde. Lalo na ang mga senior citizen, solo parents, mother leader, barangay health worker, PWDs at iba pang samahan sa Angat.

Kaya naman nang sumailalim ang Gitnang Luzon sa Enhance Community Quarantine o ECQ dahil sa COVID-19 na nagkaroon ng lockdown kabilang dito ang bayan ng Angat kung saan hindi naging hadlang kay Mayor Narding katuwang ang ilang mga konsehal para magbigay ng ayuda sa lahat ng mamamayan, mahirap o mayaman na masiguro ang kabuhayan at kalusugan ng bawa’t Angatenyos.

Bilang ama ng bayan, hindi matiis ni Mayor Narding kaya personal niyang pinuntahan ang lahat ng barangay upang makita ang tunay na kalagayan ng kanyang mamamayan. Sa loob ng tatlong buwang singkad sa panahon ng pandemya ay maayos na naitaguyod ng Pamahalaang Bayan ng Angat ang pagtulong sa taumbayan.

Hindi rin naging hadlang sa alkalde ang mga mapanira ng ilang kritiko sa kanyang magagandang ginagawa para mga mamamayan. Ang mahalaga sa kanya ang siguruhing nasa maayos na kalagayan ang bawa’t isang Angatenyo. Dahil sa matagal ng pagtitiwala ng mga mamamayan ng Angat ay nananatiling matibay ang panuntunan ni Mayor Narding na buong pusong paglilingkuran niya ang mamamayan at ang bayan.

Hindi na matatawaran ang matagal na pamumuno ni Mayor Narding De Leon, sa Bayan ng Angat. Na tanging siya lamang ang matagal na nakapanungkulan na nagsimula sa pagiging konsehal ng bayan, Pangalawang Punong Bayan at maging Punong Bayan kung saan nga nananatiling matatag at malaki ang pagtitiwala at pagmamahal ng mamamayan kay Mayor Narding De Leon. (RONDA BALITA Online)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here