Home Ronda Patrol Mayor Noel “Bitrics” Luistro ng Mabini, Batangas, hangad ang ikalawang termino bilang...

Mayor Noel “Bitrics” Luistro ng Mabini, Batangas, hangad ang ikalawang termino bilang alkalde

133
0
SHARE

MULI nating nakapanayam si Mabini Batangas Mayor Noel “Bitrics” Luistro, para sa kanyang hinahangad na ikalawang termino bilang Alkalde ng kanilang bayan. Aniya wala umano siyang nakikitang lamang niya sa kaniyang makakatunggali sa posisyon kundi ang malinis na pagseserbisyo at taos pusong paglilingkod sa mga taga-Mabini.

Nais umano niyang tutukan sa ikalawang pagkakataon ang tuluy-tuloy na progreso at pagbabago. Gusto din niya na mabigyan ng tulong o ayuda ng kanyang administrasyon ang mga indigents at mga senior citizens tulad na lamang ng pagkakaroon ng lahat ng mga taga-Mabini ng Universal Health Care sa pamamagitan ng Philhealth para sa kanilang mga kalusugan.

Bukas din umano siya na tumanggap ng mga kritiko sa ginagawang paglilingkod ng kaniyang administrasyon para sa ikabubuti at ikauunlad ng kanilang bayan at sinisigurado din niya na lahat ng reklamo at rekomendasyon ay kanila umanong aaksiyonan. Kanya rin tanggap palagi ang mga suhestiyon ng kanyang mga kababayan.

Sa ikalawa umanong pagkakataon na ibibigay sa kanya ng mga kababayan bilang Mayor ay tututukan niya ang mga social services tulad ng scholarship programs, indigents, senior citizens, health care at pagkakaroon ng sariling sanitary landfill na magsisilbing tapunan ng kanilang mga basura.

Pagtatapos ni Luistro ay patuloy siyang pagtiwalaan ng kanyang mga kababayan sa kanyang mga ipinangako at hindi umano magbabago ang kanyang sinumpaan na maglilingkod ng tapat sa paraan na maka -Diyos at maka-Tao para sa pag unlad na kanilang pinapangarap. (RONDA Balita Online News)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here