Home News Report Mayorya ng mga alkalde sa Bulacan, umanib na sa PDP-Laban

Mayorya ng mga alkalde sa Bulacan, umanib na sa PDP-Laban

1456
0
SHARE

LUNGSOD NG MALOLOS — Inabandona ng mga alkalde sa Bulacan ang dating kinaaanibang Liberal Party at lumipat sa ruling administrative party ang Partido Demokratikong Pilipino-Lakas ng Bayan (PDP-Laban).

Ito ang kinumpirma sa RONDA Balita ni Guiguinto Mayor Ambrosio “Boy” Cruz, kasalukuyang presidente ng League of Municipalities of the Philippines (LMP)-Bulacan chapter.

Gayunman, wala namang kumpirmasyon kung ang mga elected provincial officials sa pangunguna ni Gov. Wilhelmino Sy Alvarado, mga Kinatawan ng Bulacan sa Mababang Kapulungan ng Kongreso at mga miyembro ng Sangguniang Panlalawigan ay sumapi na sa ruling party PDP-Laban.

Ang mga punong bayan sa Bulacan na nauna ng naging PDP-Laban member.

Sa text message na natanggap ng RONDA Balita mula kay Mayor Cruz, sinabi nito na kasama siya sa 64 LMP presidents na nanumpa sa PDP-Laban na pinangasiwaan nina Senate President Koko Pimentel at House Speaker Pantaleon Alvarez sa Pradera Resort sa Lubao, Pampanga noong nakaraang Martes.

Ayon pa kay Mayor Cruz, “sa kabuuang 21 municipal at tatlong city mayors sa lalawigan ng Bulacan, lahat ay miyembro na ng PDP-Laban maliban sa dalawang alkalde na sina Mayor Maritz Ochoa-Montejo ng Pulilan, kapatid ng dating executive secretary ni Pangulong Noynoy Aquino na si Paquito Ochoa at si Mayor Marivee Mendez-Coronel ng San Miguel na maaari ring umanib sa ruling party depende sa kahihinatnan ng paglipat ko.”

Bago nito, buwan ng Agosto 2016 ng pangunahan ni Mayor Christian D. Natividad ang pagbuo at panunumpa bilang mga bagong miyembro ng partido PDP-Laban sa Bulacan kasama ang siyam na incumbent mayors na ginanap sa Sofitel Philippine Plaza Manila.

Guiguinto Mayor Boy Cruz (pangalawa sa kaliwa) at pangulo ng League of Municipalities of the Philippines (LMP)-Bulacan chapter habang nanumpa kasama ang iba pang officers ng LMP kay Senate President Koko Pimentel bilang bagong mga miyembro ng ruling administrative party PDP-Laban.

Kabilang sa mga nanumpang alkalde noong August 18, 2016 kay Senate President Aquilino “Koko” Pimentel III, President of the ruling party ay sina Mayor Natividad (Malolos City), Mayor Henry Villarica (Meycauayan), Mayor Edwin Santos (Obando), Mayor Mary Anne Marcos (Paombong), Mayor Carla Galvez-Tan (San Ildefonso), Mayor Raulito Manlapaz (Hagonoy), Mayor Narding de Leon (Angat), Mayor Tito Santiago (Marilao) Mayor Tinoy Marquez (Pandi) at Mayor Ferdie Estrella (Baliwag).

Kasunod na ring umanib sina Mayor Arthur Robes (CSJDM), Mayor Eladio Gonzales (Balagtas) at Mayor Jocell Vistan (Plaridel) kabilang ang mga Vice Mayor na sina Ricardo Candido (Pulilan), Bong Alvarez (San Miguel), at Bebong Gatchalian.

Mayo 2017 naman ng pasinayaan ang bagong provincial headquarters ng PDP-Laban na matatagpuan sa Brgy. Ulingao, San Rafael, Bulacan.

Kabilang din na sumama sa ruling party ang mga Kinatawan sa Mababang Kapulungan ng Kongreso na sina Congresswoman Linabelle Villarica, ng 4th District, Congw. Rida Robes, Lone District, CSJDM at Cong. Sherwin Tugna ng Cibac Partylist.

Sumapi na rin ang mga miyembro ng Sangguniang Panlalawigan na sina Bokal Nono Castro, Bokal Alex Castro at Bokal Anjo Mendoza.

Umupo namang mga opisyal ng PDP-Laban Bulacan sina Malolos City Mayor Christian Natividad as party president; Meycauayan City Mayor Henry Villarica, vice president; former BulacanThird District Rep. Joselito Mendoza, secretary- general; former Guiguinto mayor Isagani Pascual, treasurer, and Paombong Mayor Mary Anne Marcos, auditor.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here