Home Kakampi Ng Masa McArthur Hi-way, wasak na wasak na sa pipe laying

McArthur Hi-way, wasak na wasak na sa pipe laying

28
0
SHARE
Opinion Column by Thony DP Arcenal.

NAKAPANGHIHINAYANG ang bilyong-bilyong piso na ginastos ng gobyerno sa pag-sasaayos ng McArthur Hi-way na ngayon ay tinatawag rin na Manila North Road.

Wala nang matinong kalsada sa Manila North Road bukod kasi sa pagwasak ng kompanyang Prime Waters, winawasak rin ito ng mga overloaded na mga trak na naghahakot ng mga panambak sa mga bukid na taniman ng palay na karamihan ay na-convert na bilang mga commercial and industrial sites na karaniwang pag-mamamay ari ng mga singkit o Chinese.

Matapos ang road widening, binutas-butas naman ang kalye dahil sa paglalagay ng malalaking tubo ng tubig.

Bagama’t hindi napakikinabangan ng maayos ang nasabing suplay ng tubig resibo na nang damuhong kumpanya ang ginagamit ngayon.

Bakit nga po kaya pinayagan ang kompanyang ’yan na sirain ang ating mga kalsada?

Malinaw pa sa ihi ng manok mga kabayan na may mga kumita sa proyektong ’yan at malamang mga milyonaryo na ang ilan sa mga ganid na kawani ng pamahalaan.

Bukod kasi sa Manila North Road kabilang ang provincial road sa pinupunit ng mga equipments ng dambuhalang kompanya.

Sinabayan pa ng pagsira sa mga buo pang kalsada na patungo sa bayan ng Plaridel. Magaling din tumiyempo ang kontraktor kung kailan parating na ang tag-ulan ay doon nila sinimulan ang proyekto.

Sa isang banda po ay naman wala sanang problema kung maayos ang timing ng proponent ng proyekto. Ang kaso mga ’igan ay perwisyo sa mga motorista at sa mga mag-aaral at empleyado dahil sa trapik na dulot nito.

Maging ang mga tulay na bahagi ng road widening sa kahabaan ng Maharlika Hi-way and at DRT Hi-way sa bahagi ng Baliwag hanggang ngayon ay nakatiwangwang.

Kung hindi po tayo nagkakamali ay higit na sa tatlong taon ang proyektong ito ng Department of Public Works and Highway (DPWH) maging ang kalahati ng bagong kongkretong kalsada.

Halos madurog na naman ang kanilang ginawang kalye samantalang hindi pa nagagawa ang kalahati ng putul-putol na kalsada.

Sino kaya ang kpntraktor ng proyekto? Bakit pinapayagan ng DPWH na usad-pagong trabaho.

Para sa inyong reklamo at reaksyon mag-send lamang sa thony.arcenal@gmail.com.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here