Media ‘dinedma’ sa pagdating ni PNP chief sa Bulacan

0
136
Opinion Column by Thony DP Arcenal.

NAKALULUNGKOT mga ’igan, Hulyo 22, 2020, naging bisita pala sa Camp Gen. Alejo Santos sa Lungsod ng Malolos City si PNP Chief Director General Archie F. Gamboa.

Pero ni hindi man lamang nagbigay ng impormasyon ang tanggapan ni P/Maj. Usman ng Public Information Office (PIO) ng Bulacan PPO. Ano kaya ang malupit na dahilan? Absuwelto kaya ang Media?

Sa dami ng local at national media sa lalawigan, hindi man lamang naabisuhan na may magaganap na pagbisita ang chief ng PNP sa Bulacan Police Provincial Office.

Ang tanong mga kabayan, may sakit ba na kalimot si Provincial Director P/Col. Lawrence Cajipe o sadyang hindi niya kinikilala ang mga lehitimong mamamahayag or wala talaga siyang amor sa memeber of the press?

Or posible rin mga kabayan, na hao-shiao ang nais nyang makasalamuha pero maging sila ay wala ring alam sa pangyayari.

Teka nga muna, silipin nga natin ang mga pinanggalingan nitong si PD Cajipe bago s’ya nakarating sa Bulacan.

Base sa mga datos ng mga napuntahan ni PD Cajipe, nagsilbi umano itong mahusay na opisyal sa HPG-NCR at maging sa CIDG PRO4-A.

Ilang taon na rin ang nakalilipas. Pero ano kayang magandang karanasan o pangit ang nagawa ni Cajipe sa nakaraan?

Meron ba? Aminin…

Pero bakit nga ba talaga mailap sa media ang PNP Provincial Director?

Minsan na rin s’yang napuna ng ilang mga mamamahayag subalit ipinagkikibit balikat lamang niya ito.

Sabagay simula nga daw ng lumapag sa Bulacan ang kanyang mga paa bibihira rin itong makipag usap sa mga workinglegitimate media. (Baka naman gusto sa hao-shiao?)

Sa sipag ng opisyal, ok naman wala tayong masabi. Dahil sa sobrang kasipagan n’ya ang ilang malalaking huli sa illegal drugs ay dinadala pa nya sa Camp Olivas para sa press conference kaya muli “nga-nga” ang Bulacan media. Hehehe. (Pabibo ba tawag dun?)

Anyway, totoo kaya ang kuwento na hindi mahilig media si PD Cajipe kaya hindi nya ipinaalam ang pagdating ng pinakamataas na opisyal ng Philippine National Police?

Kilala daw kasi na malapit sa Batch 86 ang opisyal dahil naging kaibigan umano nito si Dating CIDG Dir. Gen. Obusan.

Anyway, mga kabayan, abangan na lang natin ang susunod na kabanata.

Para sa inyong mga reklamo at reaksyon mag-send lamang sa thony.arcenal@gmail.com (RONDA BALITA Online)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here