Home Senyor Latigo Media Fellowship ng ‘Kaugnay’ sa Fort Magsaysay, naging matagumpay

Media Fellowship ng ‘Kaugnay’ sa Fort Magsaysay, naging matagumpay

48
0
SHARE
Opinion Column by Archie Jimenez

HINDI nakakapagsisi at talagang hindi mo mararamdaman ang pagod sa dinaluhan naming Media Fellowship sa 7th Infantry Division ng Philippine Army sa Nueva Ecija noong nakaraang December 8, 2017.

Bagama’t nakaramdam kami ng lungkot nung araw na ng aming pagbiyahe papuntang Fort Magsaysay dahil sa naging lima lamang kaming media practitioners na kakatawan sa ating lalawigan.

Nabago kasi ang aming schedule ng biglang maianunsiyo na darating ang Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa Bulacan bilang panauhing pandangal ng Department of Labor and Employment (DOLE) sa ipinagdiwang nilang anibersaryo na dito sa lalawigan ginanap.

Kaya nagkaroon nag biglaang pagbabago sa bilang ng mga dapat na sasama.

Nagkaroon pa ulit ng pagbabago ang aming bilang ng ang isa naman naming nakagayak na kasama ay natapilok at namaga ang paa na siyang naging dahilan para maging lima katao na lamang kaming naka-attend sa ginanap na fellowship sa Nueva Ecija.

Ang aking mga nakasama ay sina Kaugnay Media Defense Corps Inc. Bulacan Chapter President Thony Arcenal, Malolos Daguit Press Corps President Ronald Castro, Brgy. Councilor Lalaine Santos at asawa nitong Brgy. Captain to be Theofel Santos.

Alas-4 ng madaling araw ng Biyernes kami bumiyahe. Hindi namin nagawang makatulog sa biyahe.

Dahil sa noon lang ulit kami nagkita-kita at muling nagkasama-sama.

Kaya kumustahan at kuwentuhang umaatikabo ang nangyari habang bumibiyahe.

Bukod pa sa pinagmamasdan namin ang mahusay na pagmamaneho ng aming drayber na si Ariel.

Kaliwa’t kanang mga paglusot ang kanyang ginawa.

Ayun, bago pumutok ang haring araw sa Silangan ay nakarating na kami sa Fort Magsaysay.

Kaya laking gulat ng mga sundalong sumalubong sa amin ng malamang naroon na kami sa kampo.

Humanga naman ako kay 1st Lt. Catherine E. Hapin (AGS) PA Chief ng Public Affairs Division dahil nang mapag-alaman niyang naroon na ang aming grupo ay agad niya kaming pinuntahan at sinaludar sa kabila ng kanyang buntis na kalagayan.

Sinaluhan pa niya kami kasama ang kanyang Civilian Employee na si Ms. Guillume I. Tamayo sa unlimited breakfast na inihain sa amin.

Ganap na alas-8 ng umaga ay nagsimula ng magdatingan ang ilan pang grupo ng mga media practitioners na nanggaling pa sa Aurora at Nueva Ecija.

Ginanap ang registration of participants sa Kaugnay Officers Club House.

Kaalinsabay ng isinagawang registration ay ang groupings para sa gaganapin namang firing.

Alas-10 ng umaga ng magtungo na kami sa Firing Range Number 1 ng Light Reaction Regiment!

Iba-ibang uri ng assault rifle ang ipinagamit sa amin para makapag-firing.

Kung happy trigger ka ay masisiyahan kang magpaputok dahil hanggang tatlong magazine ng bala ang puwede mong ubusin.

Pagdating naman ng alas-12 ng tanghali balik ulit kami sa Kaugnay Officers Club House para sa sama-samang kainan o boodle fight kasama ang ating mga kasundaluhan.

Ala-1 ng hapon, balik ulit kami sa Firing Range number 1 ng Light Reaction Regiment para sa pagpapatuloy pa rin ng aming Fun shoot / Relay. Na sa mga pagkakataong iyon ay short pistol o caliber .45 naman ang ipinagamit nila sa amin. Nabitin sa .45, lipat ulit sa long assault rifle. At tulad ng dapat asahan bagsak lahat ng tinamaang damo, maliban sa target. hehehehe.

Alas-3 ng hapon balik ulit kami sa Kaugnay Officers Clubhouse para naman sa media forum!

Matalino at mapagpakumbaba kung sumagot ang commander ng 7th Infantry Division na si MGen. Felimon T. Santos Jr. sa mga naging katanungang ipinukol sa kanya ng mga dumalong media practitioner!

Alas-6 na ng gabi ng maumpisahan ang fellowship. Si MS. Mel DC Ciriaco, Pangulo ng Central Luzon Media Association o CLMA ang nanguna sa pananalangin. Si Col. Eugenio S. Batara Jr. (INF) GSC PA, naman ang nagpahayag ng welcome remarks sa lahat ng mga participants. Samantalang ang nagpakilala naman sa lahat ng mga media participants ay si 1st Lt. Hapin.

Nagbigay ng kanya-kanyang inspirational message sina Mrs. Joy Galvez Dominado, KBP president, Nueva Ecija Chapter, Mrs. Ciriaco. CLMA president, Mrs. Gina Magsanoc Caling, president Nueva Ecija Press Club at si Arcenal, bilang pangulo ng Kaugnay Media Defense Corps Inc. Bulacan Chapter.

At ang pang finale na nagbigay ng kanyang mensahe ng pasasalamat ay si si MGen. Felimon T. Santos Jr., AFP Commander, 7ID. (RONDA Balita Online News)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here