Home National News ‘Menstrual Leave’ para sa mga female employees ng Vigan City, pinag-aaralan pa

‘Menstrual Leave’ para sa mga female employees ng Vigan City, pinag-aaralan pa

22
0
SHARE

VIGAN CITY, Ilocos Sur — Isa sa mga pinag-aaralan ngayon ng mga miyembro ng konseho ng nasabing lungsod ang Draft Ordinance # 19-01 na ipinasa ni City Councilor Francisco Arturo Ranches III kung okey nga ba ito o hindi bago nila ito ganap na desisyunan.

Ang nasabing draft ordinance ay ang “An Ordinance Granting Menstruation Leave of One Day a Month to all Female Employees in the Local Government Unit of Vigan.”

Ayon sa konsehal, kailangan ito dahil alam naman nating lahat na kapag may regla ang isang babae ay hindi sila masyadong nakakapagtrabaho nang maayos, nanghihina, walang kasigla-sigla, at madaling magalit.

Ito umano ang nagtulak sa kanya para isulong ang naturang draft ordinance at alam niyang marami sa mga female employees ng City Hall ang matutuwa oras na ito ay pumasa.

Sa inilunsad na public hearing para sa naturang draft ordinance ay isa sa mga tinanong kung paano na kung sabay-sabay na magkaroon ng mens ang mga babaeng empleyado? Ibig bang sabihin nito na wala nang papasok na female employees sa araw na iyan.

Sinabi ng konsehal na imposible namang mangyari iyan pero gayunman isa ito sa mga bibigyan ng pansin ng mga miyembro ng Committee Hearing bago nila desisyonan ang naturang draft resolution dahil paano nga naman kung mangyari ito, tiyak na magiging malaking problema kapag nagkataon. (RONDA Balita Online News)

SHARE
Previous articleQuezon’s no. 1 most wanted, 9 other fugitives nabbed in Bulacan
Next articleMag-ingat sa kagat ng lamok. Mag-ingat sa Dengue!
Si Rolando S. Gamoso ay naging Editor-In-Chief ng dating THE AMIANAN WEEKLY EXPOSE’, isang weekly newspaper na may sirkulasyon sa buong Region I, CAR at Region II. Naging reporter/news correspondent siya for Region I sa mga pahayagang tulad ng: DAILY BALITA, TANOD Newspaper, BOMBA, PINOY PARAZZI, at POLICE FILES TONITE. Sa ngayon ay reporter/columnist siya sa THE AMIANAN BULLETIN at THE ILOCOS HERALD, pawang mga local newspaper na circulated weekly sa Ilocos Region. Maliban sa pagiging aktibo niya sa print media, aktibo rin siya sa pagiging miyembro ng broadcast media.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here