Home National News Mga ahensya lumahok sa kampanya laban pagbenta, pagbili ng boto

Mga ahensya lumahok sa kampanya laban pagbenta, pagbili ng boto

21
0
SHARE

LUNGSOD NG SAN FERNANDO, Pampanga — Lumahok sa isang election motorcade ang mga ahensya ng pamahalaan sa Gitnang Luzon upang itaas ang kamalayan ng publiko laban sa pagbili at pagbebenta ng boto.

Ayon kay Department of the Interior and Local Government Regional Director Julie J. Daquioag, bahagi ito ng isang mas malawak na adbokasiya para sa isang tapat, malinis at payapang halalan sa Mayo 13.

Aniya, hindi man nito malutas ang lahat patungkol sa pagbili at pagbebenta ng boto, layunin nitong lumikha ng kamalayan at pagtatasa sa publiko upang maunawaan nilang hindi sila dapat lumahok sa ganitong uri ng sistema.

Sinabi rin ni Daquioag na isang malaking hamon para sa mga kawani ng pamahalaan kung paano susugpuin ang nasabing kasanayan dahil bahagi na ito ng kultura ng mga Pilipino.

Hindi man aniya ito tuluyang maaalis, maaari naman silang tumulong upang mabawasan ang mga insidente ng vote buying at vote selling.

Ayon sa direktor, maaari nila itong simulan sa kanilang mga sarili, tahanan, komunidad at mga ahensyang kinabibilangan.

Kinilala din ni Daquioag ang kahalagahan ng tamang information education campaign sa pagtataguyod ng nasabing adbokasiya at hinikayat ang mga kalahok na gamitin din ang social media para sa mas malawak na pagtataguuyod laban sa pagbebenta at pagbili ng boto.

Bilang pangwakas, pinaalalahanan niya ang lahat na bumoto para sa taong kwalipikado at maaaring maghatid ng mga serbisyo sa halip na bumoto para sa isang tao batay lamang sa pera.

Source: PIA

SHARE
Previous articleMaguindanao town mayor on Duterte drug list killed in shootout
Next articleMMDA suspends dry run of provincial bus ban
A team of journalist came up with a newspaper that would complement the fast-paced development now happening in the country. Presently, social media, online news, and other multimedia press centers are active nowadays and the people behind RONDA Balita, Lingguhang Pahayagan ng Masang Intelihente created a modern digital news site whose products include newsfeeds, online news releases and advertisements and it is entitled RONDA Balita Online News.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here