Mga bagong posisyon sa mga guro, pinabubuo ni Sen. Revilla

0
92
Opinion Column by Thony DP Arcenal.

MGA kabayan magandang balita muna dahil iminungkahi ni Senador Ramon “Bong” Revilla Jr. na bumuo ang gobyerno ng mga bagong posisyon para sa mga public school teacher sa Basic Education upang punan ang salary gaps.

Base sa kanyang Senate Bill 1259 o ang panukalang Teachers’ Salary Upgrading Act, binigyang-diin ni Sen. Revilla na dahil sa kasalukuyang sistema ng teacher’s position, may limitasyon sa mga oportunidad para sa mga guro.

Aniya the “Teaching is a profession that builds a strong nation. Teachers are the foundation and most essential actors in the field of education who provide our children with the knowledge, skills and proper disposition that will enable them to become productive, proactive and responsible citizens of our nation,”

Ipinaliwanag ng senador na sa ngayon, ang teaching track ay binubuo ng Teachers I, II at III na may katumbas na salary grades 11, 12 at 13, base  sa pagkakasunod-sunod.

At ang kasunod na posisyon ay Master Teachers I, II, III at IV  na may katumbas na Salary Grades 18, 19, 20 at 21.

“Hence, there is a gap of four Salary Grades with corresponding substantial difference in Qualification Standards and hiring requirements between Teacher III and Master Teacher I,” paliwanag pa ni Sen. Revilla.

Kung maisasakatuparan ang batas na ito na nais ni Senator Revilla jr.malaki ang maitutulong nito sa mga guro sa buong bansa.

Sa isang banda mga ’igan, matagal na rin naman na uhaw sa pagbabago ang ating mga guro at sa puntong ito malaki ang magiging pakinabang lalo na sa mga nangangailangan ng trabaho.

Anyway, abagangan natin ang panukalang batas na ito na magpapataas ng moral sa mga guro sa buong bansa.

Para sa inyong mga reklamo at reaksyon mag-send lamang sa thony.arcenal@gmail.com. (RONDA BALITA Online)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here