Home Events Mga Bulakenyo, dumagsa sa Sing Ka Band 2017

Mga Bulakenyo, dumagsa sa Sing Ka Band 2017

60
0
SHARE

LUNGSOD NG MALOLOS — Dumagundong ang punumpunong Bulacan Sports Complex sa lungsod na ito sa tugtuging OPM matapos makipagrakrakan sa libu-libong Bulakenyo ang Sponge Cola at Rocksteddy sa isang libreng konsyerto na tinawag na “Sing Ka Band 2017” na hatid ng Globe Telecom Friday ng gabi.

Nagagalak sa ipinakitang solidong suporta ng mga Bulakenyo, ipinaabot ng Sponge Cola ang kanilang pasasalamat sa pamamagitan ng pagtugtog sa kanilang mga sikat na kanta tulad ng “Tambay”, “Tuliro”, “Makapiling Ka”, “Pag-ibig” at “Coda”.

Nakisalamuha ang bokalista ng Sponge Cola na si Yael Yuzon sa mga manunuod habang kinakanta ang kanilang sikat na awiting “Makapiling Ka” sa ginanap na “Sing Ka Band 2017” sa Bulacan Sports Complex, Lungsod ng Malolos, Bulacan kagabi.

Hinikayat din ni Yael Yuzon, bokalista ng Sponge Cola, ang mga manunuod na suportahan ang mga lokal na banda lalo na ang Lunar Lights, isang Bulakenyong banda na nadiskubre sa parehong programa noong 2014 at nagtanghal noong gabing iyon bilang front act.

Samantala, matapos na saglit pahintuin dahil sa mga nagwawalang manunuod, pinainit ng Rocksteddy ang entablado sa kanilang musika.

Pinakalma naman ni Teddy Corpuz, bokalista ng Rocksteddy, ang mga manunuod at hinikayat na iwasan ang pagiging bayolente para sa mas ligtas at mapayapang konsyerto.

“Masaya and nakakatuwa kasi active ‘yung mga banda sa pag-connect sa mga tao. Lumalapit and nakikipag-kamay at selfie. Tapos ‘yung mga tao, lahat sila nagsasaya. Kahit ‘yung mga nasa malayo sa stage, alive pa din,” ani Kristine Andrea B. Arcega, isa sa mga manunuod.

Matapos ang konsyerto, agad na nagliwanag ang madilim na kalangitan dahil sa choreographed fireworks display sa “Pasiklaban sa Singkaban” na  hatid ng exhibitors kabilang ang Leegendary Fireworks Inc., Pyrohaven at CPM Fireworks.

Ang Sing Ka Band 2017, na naglalayong pasayahin ang libu-libong Bulakenyo sa pamamagitan ng isang gabing puno ng musika, ay isa sa mga tampok sa taunang pagdiriwang ng Singkaban Festival na may tema ngayong taon na “Singkaban Festival 2017: Bulacan, babalik-balikan.”

SHARE
Previous articleVillanueva lauds gov’t’s consideration of his request to re-evaluate drug war
Next articleChristian Bautista, masaya sa lovelife ni Rachelle Ann Go
ROSETH Eleogo Reyes or RR Eleogo is one of the owners of RONDA Balita. A single mother from Bulakan, Bulacan, and formerly an account officer and columnist of NewsCore, a local newspaper in Bulacan. She also worked in quality control department of Mighty Corporation. A part-time advertising representative of Remate, a national newspaper. She served as Director of Philippine Science Journalists Association Inc. Bulacan Chapter and member of National Union of Journalists of the Philippines (NUJP)- Bulacan Chapter. She won recently as Board of Directors of Bulacan Press Club.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here