Home Bulacan Local News Mga Dangal ng Lipi awardee, yaman ng lahing Bulakenyo 

Mga Dangal ng Lipi awardee, yaman ng lahing Bulakenyo 

1718
0
SHARE

LUNGSOD NG MALOLOS – Pinuri ni Gob. Wilhelmino M. Sy-Alvarado ang mga tinaguriang ‘bagong bayaning Bulakenyo’ sa ginanap na “Gawad Dangal ng Lipi 2017” noong Setyembre 15, 2017 bilang panapos na gawain sa pagtatapos ng selebrasyon ng Singkaban Festival 2017 sa The Pavilion Hiyas ng Bulacan Convention Center sa lungsod na ito.

Philippine National Police (PNP) Deputy Chief for Operations, PDDG. Fernando Mendez Jr.

“Tunay na maipagkakapuring yaman ng lahing Bulakenyo ang Dangal ng Lipi Awardee na  ehemplo ng pagiging mapagmahal sa kapwa at daluyan ng pagpapala para sa iba. Hindi matatawaran ang  ipinamalas ninyong kasipagan, determinasyon, malikhaing isip,  at makabuluhang ambag sa kaunlaran di lamang sa bansa kundi sa ibang mundo” ani Alvarado.

Kabilang sa binigyan ng pagkilala ang mga natatanging Bulakenyo mula sa Lungsod ng Malolos na sina Dr. Alvin V. Nuqui sa larangan ng Edukasyon, Rafael Nicolas P. Dionisio sa Isports, Nanette C. Lomarda bilang Bulakenyo Expatriate, Dr. Alberto C. Reyes para sa Paglilingkod Pampamayanan at Abgdo. Robert S. Martinez para sa Propesyunal.

DANGAL NG LIPI AWARDEES 2017 — Sina Gob. Wilhelmino M. Sy-Alvarado at Bise Gob. Daniel R. Fernando kasama ang mga pinarangalan sa Dangal ng Lipi 2017 na binubuo nina (mula kaliwa) Milagros B. Imson mula sa Lungsod ng Meycauayan sa larangan ng Entreprenor; Dr. Alberto C. Reyes mula sa Lungsod ng Malolos para sa Paglilingkod Pampamayanan; Prof. Walfrido W. Sumpaico, M.D. ng Hagonoy para sa Pangkalusugan; Abgdo. Robert S. Martinez mula sa Lungsod ng Malolos para sa Propesyunal; PDDG. Fernando H. Mendez, Jr. ng San Miguel para sa Paglilingkod Bayan; Jovenson L. Ong ng San Rafael para sa Pangangalakal at Industriya; Victor B. Mariano ng Pulilan para sa Agham at Teknolohiya; Dr. Alvin V. Nuqui mula sa Lungsod ng Malolos para sa Edukasyon; Dr. Herminio M. Suarez ng Balagtas para sa Sining at Kultura; Rafael Nicolas P. Dionisio mula sa Lungsod ng Malolos para sa Isports; Celestino M. Mananguit ng San Ildefonso para sa Agrikultura at Nanette C. Lomarda mula sa Lungsod ng Malolos para sa Bulakenyo Expatriate na kinatawan ng kanyang anak na si Mila Marie Lomarda, na ginanap sa The Pavilion, Hiyas ng Bulacan Convention Center, Lungsod ng Malolos, Bulacan noong Setyembre 15, 2017: Nasa larawan din sina Cong. Jose Antonio “Kuya Jonathan” R. Sy-Alvarado (ikalawang hanay, pangatlo mula sa kaliwa) at mga Bokal na sina (ikalwang hanay mula kaliwa) Felix V. Ople, Ma. Lourdes Posadas, Rino V. Castro, Enrique V. Dela Cruz, Jr., Therese Cheryll B. Ople, Norma S. Roque at Allan P. Andan.

Kinilala din ang naging kontribusyon nina Dr. Herminio M. Suarez ng Balagtas para sa Sining at Kultura, Victor B. Mariano ng Pulilan para sa makabuluhang ambag sa agham at teknolohiya, Jovenson L. Ong ng San Rafael para sa Pangangalakal at Industriya, Milagros B. Imson ng Lungsod ng Meycauayan sa larangan ng Entreprenor;  PDDG. Fernando H. Mendez, Jr. ng San Miguel para sa Paglilingkod Bayan; Celestino M. Mananguit ng San Ildefonso para sa Agrikultura at Prof. Walfrido W. Sumpaico, M.D.  ng Hagonoy para sa Pangkalusugan.

Nag-uwi ang mga nagwagi ng medalya, plake ng pagkilala,tropeo at munting alaala.

Ang Dangal ng Lipi Award ay taunang parangal ng Pamahalaang  Panlalawigan ng Bulacan sa pamamagitan ng Provincial Planning and Development Office na iginagawad sa mga karapat- dapat na  Bulakenyo na nagtagumpay sa kanilang napiling larangan.

Dangal ng Lipi awardee PDDG. Fernando Mendez Jr., kasama ang kanyang ina, at mga kapatid. Mga kuha para sa RONDA Online News ni RR ELEOGO
Si PDDG. Fernando Mendez Jr. kasama si P/Sr. Supt. Romeo Caramat Jr., at mga chiefs of police sa iba’t ibang bayan at lungsod sa lalawigan ng Bulacan. Mga kuha para sa RONDA Online News ni RR ELEOGO

 

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here