Home EXTRAFONTS Mga gasgas ng New Year’s resolution

Mga gasgas ng New Year’s resolution

40
0
SHARE
Opinion Column by Manny Camua Dela Cruz

MARAHIL ay ilan lang sa maraming nangako ngayong Bagong Taon ang makatutupad sa kanilang New Year’s resolutions. Hindi kasi madaling tuparin ang pangako kung marupok ang paninindigan ng taong nangako.

Halimbawa kung ang resolusyon ay tungkol sa pagtigil sa bisyong paninigarilyo o bisyong pag-inom ng alak. Talagang mahirap itigil ang mga bisyong ito lalo na kung lulong sa alak at sigarilyo ang mga taong nangako.

Bukod sa bisyo may mga kababaihan naman na ang kanilang New Year’s resolution ay titigil na sa panghihimasok sa buhay ng iba o ang pagiging tsismosa. Hindi rin madaling umiwas sa kostumbreng ito lalo na kung makati ang mga dila ng mga babaeng tsismosa.

Ang iba naman ay nangako na hindi na sila mangungutang ng pera upang hindi na sila mabaon sa pagkakautang. May mga tao na taal na ang pagiging balasubas o hindi talaga marunong magbayad ng kanilang mga utang sa kanilang mga pinagkakautangan.

Sa hanay naman ng mga kabataan, ang karaniwan nilang New Year’s resolution ay ang pagsisipag sa pag-aaral kung sila man ay junior at senior high school o nasa kolehiyo. Iiwasan na nila ang pagiging bulakbol.

Sa mga anak namang binata at dalaga na naghahapbuhay ay may pangako na mag-iintrega na ng kanilang sweldo sa kanilang mga magulang at iiwan na sa lumang taon ang nakagawiang pagiging bulagsak at gastador.

Madaling magsabi ng pangako. Ang mahirap ay ang pagtupad sa mga pangakong binitiwan dahil kapag hindi mo naabot ang iyong goal kung ano man ang resolusyong iyong binitiwan sa pagitan ng pagpapalit ng taon ay isang malaking kabiguan iyon para sa inyong nangako pero hindi naman tinupad ang mga pangakong binitiwan.

Pero malaking tagumpay naman ang matatamo ng mga taong nakatupad sa kani-kanilang New Year’s resolution dahil kaya nilang manindigan sa kanilang mga pangako.

Lahat ng mga tao ay may kani-kanyang mga hamon sa buhay at ang mga hamong iyon ang ating haharapin ngayong 2019. Wala man tayong New Year’s resolution, hindi naman tayo makaiiwas sa challenges na nasa ating unahan at kailangan ma-achieve ang mga hamon sa ating mga buhay. (RONDA Balita Online News)

SHARE
Previous articleManigong Bagong Taong 2019
Next articleSuspek sa pananaksak sa mag-lola sa Plaridel, arestado
SI Manny Camua Dela Cruz ay hindi nag-aral ng kursong dyornalismo, subalit naging bihasa sa pagsusulat ng balita, lathalain at sanaysay. Ang kanyang talento ay pinanday ng mahabang karanasan sa larangan ng pamamahayag: Photo journalist sa simula; kalaunan ay naging provincial correspondent ng iba't ibang mga pahayagang nasyonal, naging reporter ng national dailies sa Kamaynilaan at naging editor ng national tabloid, naging editor ng national weekly news magazine. Sa kasalukuyan ay editor/editorial consultant ng ilang provincial-based newspaper sa Bulacan, kolumnista at contributing editor/writer nitong Ronda Balita Online/Weekly Newspaper.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here