Mga kontaminadong peking duck at iba pang meat products, kinumpiska ng BOC

0
176
Ang mga miyembro ng Bureau Of Customs Inteligence and Investigation Services at National Bureau of Investigation Special Action Unit nang salakayin ang isang warehouse ng mga iligal nas kontaminadong karne sa Brgy. Anunas, Angeles City. (Kuha ni Jose Erwin Bunag)

ANGELES, Pampanga — Una nang sinalakay ng miyembro ng Bureau Of Customs Inteligence and Investigation Services at National Bureau of Investigation Special Action Unit ang isang warehouse na may mga iligal na kontaminadong frozen meat kagaya ng peking duck, paa at mga laman loob ng baboy, meat balls at fishballs sa Brgy. Anunas dito sa nasambit na lungsod kamakailan.

Kinuha ang mga smuggled frozen meat na aabot sa halagang P25 milyon upang sirain sa pamamagitan ng pagiling na isinagawa ng Green Leaf 88 Non- Hazardous Waste Disposal sa Porac, Pampanga.

Ayon kay Norma Del Rosario, Inteligence Officer II ng BOC sa Port of Clark, nakakuha sila ng inteligence report na may mga peking duck mula China sa isang warehouse sa naturang lugar.

Nang beripikahin nila at ininspeksyon ang warehouse ay tumambad ang mga ilegal na frozen meat.

Aniya, mula noong 2005 ay bawal ng mag-import ng mga peking duck dahil sa bird flu na maaaring makahawa sa mga manok at maapektuhan ang ating animal industry.

Paliwanag naman ni Dr. Ferdinand Montano, Veterinary 4 ng BAI, ang mga forfeited animal products ay sisirain upang hindi mapakinabangan.

Mahigpit na ipinagbabawal ang pag-aangkat ng mga peking duck at iba pang meat products.

“Iligal ang mga ito, walang transport permit, health certificate at tinitiyak niyang smuggled ang mga ito,” ani Del Rosario

Pahabol pa ni Del Rosario na ang mga nasabing karne ay maaaring nagtataglay ng swine fever at bird flu. (RONDA BALITA Online)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here