Home Business Mga LGU sa Gitnang Luzon, umani ng mataas na trust ratings sa...

Mga LGU sa Gitnang Luzon, umani ng mataas na trust ratings sa frontline services, pagproseso ng business permits

SHARE

LUNGSOD NG SAN FERNANDO, Pampanga — Nagpahayag ng mataas na kumpiyansa ang mga establisimiento sa Gitnang Luzon sa kani-kanilang mga lokal na pamahalaan, partikular na sa pagbibigay ng frontline services at pagpoproseso ng business permits.

Batay ang istatistikang ito sa resulta ng 2017 Customer Experience Survey na isinagawa ng National Competitiveness Council at Department of Trade and Industry o DTI.

Ayon kay DTI Regional Director Judith Angeles, nilahukan ito ng 1,730 respondents mula sa 173 lokal na yunit ng pamahalaan sa buong bansa, na kumakatawan sa mga establisimiyentong nag-apply ng bagong permit o nag-renew ng permit para sa kanilang negosyo sa taong ito.

Sa Gitnang Luzon, ang lungsod ng Balanga ang nakakuha ng pinakamataas na marka na may 9.28 puntos mula sa kabuuang 10.

Sinundan ito ng lungsod ng Gapan na may 8.82 puntos.

Samantala, nakuha ng lungsod ng Cabanatuan ang iskor na 8.73, habang ang lungsod ng Mabalacat ay umiskor ng 8.24 puntos.

Kasama rin sa mga nakakuha ng mataas na rating ang lungsod ng Tarlac na nagtala ng 8.07 puntos; lungsod ng San Fernando- 7.16 puntos; at lungsod ng Angeles – 6.24 puntos.

Sa pangkalahatan, umani ang Gitnang Luzon ng 8.07 puntos.

Sa pambansang tala, 97 porsyento o may 1,678 respondents ang nagsabing nasiyahan sila sa kanilang mga lokal na pamahalaan.

Sa bilang na ito, 71 porsyento ang nagsabing nakuha nila ang kanilang mga permit sa loob ng dalawang araw habang 29 porsyento ang nagsabing mahigit sa dalawang araw ang ginugol nila upang maproseso ang kanilang mga permit sa negosyo.

Bukod dito, 45 porsyento ng mga respondents ang nagsabing dumaan sila sa tatlong hakbang sa pagpoproseso o pagre-renew ng business permit habang 55 porsyento ang nagsabing higit sa tatlong hakbang ang dinaanan mila sa pamahon ng kanilang transaksyon sa LGU.

Philippine Information Agency

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here