Home Top Story Mga madayang timbangan sa Malolos Public Market, winasak

Mga madayang timbangan sa Malolos Public Market, winasak

172
0
SHARE

CITY OF MALOLOS, Bulacan — Winasak ng mga kawani ng Pamahalaang Lungsod ng Malolos ang daan-daang timbangan na napatunayang may mga daya nu’ng Lunes ng umaga (Oct. 7) sa harap ng mismong pamilihang bayan ng lungsod.

Ang mga nasabat na may mga madayang kiluhan ay mula sa mga tindera ng Malolos Public Market.

Ang nasabing pagkumpiska ng mga madadayang timbangan ng naturang pamilihang bayan ay mula umano sa direktiba ni Mayor Bebong Gatchalian na ‘linisin’ ang Malolos Public Market sa mga mapagsamantalang mga vendors.

Ayon naman kay Ernani Dionisio, Director in Charge ng Department of Trade and Industry o DTI Bulacan na makikipag ugnayan sila sa Sangguniang Panlungsod ng Malolos at sa market master para agarang makagawa ng isang resolusyon na magbibigay kaparusahan sa mga tinderang gumagamit ng madayang timbangan. (RONDA Balita Online News

(Mga larawan kuha ni Joshua Nicdao)

SHARE
Previous article54-M shabu seized in NAIA, Indonesian suspect arrested
Next article18 held in jail in Bulacan police anti-criminality operations
Emmanuel "Manny" Dineros Balbin, an editor-in-chief of RONDA Balita, Lingguhang Pahayagan ng Masang Intelihente, and RONDA Balita Online News was a former seminarian of Oblates of Mary Immaculate (OMI) in Notre Dame University Seminary in Cotabato City. Graduated Philosophy as major course, Political Science as minor, at the University of Santo Tomas, Legaspi City but landed and became a journalist. A former Journal Group of Publication (People's Journal, Peoples Tonight, Taliba & Women's Journal) staffer for 17 years. Before he was simultaneously contributed news articles to 3 local newspaper in Bulacan (NewsCore, MetroNews & NewsWatcher). A former Journal Group Bulacan correspondent, Kabayan provincial reporter, 2010 Bulacan election correspondent by Rappler and presently, a stringer of Philippine News Agency (PNA) Bulacan.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here