Mga mag-aaral, paano kaya matututo sa modular learning?

0
87
An opinion column by Louie C. Angeles

DAHIL sa makabagong pamamaraan ng pagtuturo sa mga estudyante sa pampubliko at pribadong paaralan ngayong 2020-2021 ay paano kaya matututo ang batang mag-aaral sa isang modular learning system na gagamitin ng mga teacher.

Paano nakasisigurong mabibigyan ng karampatang kaalaman ang isang estudyante sa modular learning system.

Bagama’t muling itinakda sa Oktubre 05, 2020 ang simula ng klase ay marami pa rin ang nagtatanong kung paano ba mabibigyan ng mataas na kalidad ng pagtuturo sa pamamagitan ng modular ang ilang mag-aaral sa pampublikong paaralan.  

Kahit naman sa pamamagitan ng webinar o sa internet ay hindi parin sapat na mabigyan ng mataas na kalidad ng pagtuturo ang mga estudyante.  

Malaking katanungan dito ay paano matututo ang bata kung modular o babasahin lamang ang kanilang hawak. At iaasa lamang sa paggabay ng magulang ay matuturuan bang mabuti ang kanilang anak?  Lalo pa’t ang ilang mga magulang ay hindi naman nakatapos ng pag-aaral.  

Saan ba patungo ang paghubog sa isipan ng mga mag-aaral kung ganitong pamamaraan lamang ang gagamitin sa pagtuturo na 90% ay hindi matututo ang mga bata?

Dahil kahit noong face-to-face ang pagtuturo sa loob klase ay nasa 10 hanggang 15% na mga estudyante ang hindi natututo sa pagbasa ay nakakarating sa high school ang isang bata.

Kaya labis na nakababahala kung itutuloy ng Kagawaran ng Edukasyon ang pagbubukas ng klase ngayong taon.  Mas lalong lalaki ng bilang ng mag aaral na walang matututunan.  

Lalo na ang primary grade kung saan dito nagsisimula ang pagpapabasa sa isang batang mag-aaral.  Talaga bang nawala na ang “No Read No Pass Policy?” na pinanukala ni Usec. Ramon C. Bacani.

Dahil kahit na walang alam ang isang bata sa pagbasa ay nai-papasa ng kanyang guro.  Kaya kahit na nasa secondary level ay mahina siya sa naturang pagbasa.

Hanggang kailan ba magkakaroon ng paging matiyaga ang ilang guro, prinsipal at supervisor na matututo ang isang estudyante bago ipasa sa susunod na grade level? (RONDA BALITA Online)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here