Mga magsasaka at mangingisda sa Bulacan, pinagsusuot ng facemask, face shields

0
263

KAKAILANGANIN na rin ng mga magsasaka at mangingisda sa lalawigan ng Bulacan ang pagsusuot ng face mask at face shield kapag sila ay nasa trabaho.

Ito ang panukala ni Bokal Emily Isidro-Viceo, miyembro ng lupon na nagsisilbing pangalawang pinuno ng komite sa kalusugan sa Sangguniang Panlalawigan.

Ang mga palayan at ilog ay tinukoy bilang mga pampublikong lugar sa Provincial Ordinance No. 89-2020, isang regulasyon sa kalusugan na naaprubahan kamakailan ng Sangguniang Panlalawigan (Bulacan Provincial Board) upang maiwasan ang pagkalat ng coronavirus disease (COVID-19).

Gayunpaman, kung sila ay nag-iisa, hindi nila kailangang isuot ang mga ito ayon kay Bokal Viceo.

Nakasaad sa kautusan na ang mga magsasaka at mangingisda at iba pang mga manggagawa na may katulad na hanapbuhay ay maaaring alisin ang mga maskara sa lugar ng trabaho, sa kondisyon na hindi ito lalabag sa iba pang mga protokolong pangkalusugan sa publiko.

Sa sandaling pirmahan ni Gov. Daniel Fernando ang naturang panukala ay makakaapekto ito sa 30,000 magsasaka na umabot sa halos 90,000 hectares ng mga sakahan sa Bulacan, at 2,000 mangingisda.

Kabilang din sa naturang ordinansa ang mga sumasakay sa motorsiklo na magsuot ng face shield habang nasa kalsada at kailangan ding sarado ang kanilang helmet. Kailangan nilang magsuot ng mga face mask habang nagmamaneho.

Ang mga lalabag sa naturang ordinansa ay bibigyan ng citation ticket, at maaaring pagmultahin ng P1,000 para sa kanilang unang pagkakasala, P3,000 para sa ikalawang paglabag at P5,000 para sa pangatlong paglabag.

Hanggang sa susunod na isyu po ng RONDA Balita, ang Lingguhang Pahayagan ng masang Bulakenyo.

Para sa ibang balita, maglog-on sa www.rondabalita.news.

Babu!  

Kung may tanong, su­hestiyon o komento ’wag mag-atubiling tumawag o mag-text sa numerong 0917-205 -3350. (RONDA BALITA Online)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here