Mga mapagsamantala sa panahon ng pandemya

0
129
EXTRA FONTS, an opinion column by Manny Camua Dela Cruz

KUNG hindi dumagsa sa merkado ang face mask at face shield, malamang na hanggang ngayon simula nang ideklara ang pandaigdigang pandemya dulot ng Covid 19 ay kumakapit pa rin tayo sa mataas na presyo ng mga bagay na iyan.

Natatandaan ko pa noong ideklara ng World Health Organization (WHO) na ang Covid 19 desease ay isa ng pandemic at kasunod niyon ang pagpapatupad ng pamahalaan ng mga mahihigpit na panuntunan sa pangunguna ng Inter Agency Task Force (IATF) kung saan ang buong bansa ay isinailalim sa Enhanced Community Quarantine (ECQ) noong Marso 15, 2020

Sa labis na pagkataranta ng publiko, nilusob ng karamihan ang mga grocery at mga supermarket, mga botika at pinakyaw ang mga tindang alcohol, hand sanitizer, maging ang face mask dahil nagkaubusan noon ng mga panindang ito sa pamilihan.

Dahil napakalaki ng pangangailangan sa naturang mga bagay, sinamantala naman ito ng mga negosyante lalo na ang mga hoarder. Nabili ang alcohol sa murang ay ibinebenta naman nila sa tripleng presyo.

Wala magawa ang buying public dahil wala naman talagang pagpipilian kungdi ang bumili ng mahal na halaga ng alcohol, hand sanitizer at iba pa. Pero sadyang malikhain ang mga Pinoy. Marami ang gumawa ng face mask na gawa sa tela. Talagang ibinagsak nila ang presyo para tapatan ang mataas na halaga ng surgical mask.

Heto pa, bumaha rin sa pamilihan ang murang surgical mask na galing ng China at bagsak presyo rin kaya natameme ang mga mapagsamantalang negosyanteng Pinoy. Akala nila ay habang buhay nilang mapagsasamantalahan ang mga taong nangangailangan.

Hindi lang ang mga nagtitinda ng face mask face shield at alcohol ang nananamantala. Maging ang mga pribadong ospital ay nakisawsaw na rin.

Kapag mayroon kang kaanak na na-confine sa private hospital, hindi puwede na basta-basta ka na lang pupuntahan ng mga pasyente dahil kailangan mo munang magpa-swab test at hindi ito libre sa mga pribadong ospital

Magkano na ang swab test ngayon?: Umaabot yata ng 3,500 pataas kaya mabigat ito sa bulsa ng mga karaniwang mamamayan. Kaya kakaunti ang dumadalaw sa pasyenteng kaanak, kaibigan naka-confine sa private hospital dahil hindi papayag ang mga tauhan ng private hospital na hindi kayo magpapa-swab test.  Hindi naman lahat ng pribagong pagamutan ay may ugaling buwaya. Marami rin naman sa kanila ang mayroong compassion lalo na sa mga higit na nangangailan ng tulong-medikal.

Tama ang kasabihan na mahirap magfkasakit ngayong pandemic season dahil hindi lang ang virus ang kalaban kungdi ang mga mapagsamantalang may-ari ng mga business establishments. (RONDA BALITA Online)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here