Home Ok Ka Lang Mga mikrobyong dapat iwasan sa Japan tuwing tag-ulan

Mga mikrobyong dapat iwasan sa Japan tuwing tag-ulan

122
0
SHARE
Opinion Column by Naneth T. Hirano

ANG panahon ng tag ulan sa bansang Japan ay TSUYU kung ito ay kanilang tawagin.

Nagtatagal ang panahon ng tag-ulan sa kanilang bansa ng may isa at kalahating buwan.

Nagsisimula ang panahong ito sa buwan ng Hunyo at nagtatapos sa buwan ng Hulyo.

Bagama’t maulan sa panahong ito ay mataas pa rin ang temperatura at maalinsangan sa pakiramdam.

Kaya naman hindi pa rin maiiwasan na maapektuhan ng pabago-bagong temperatura ang mga pisikal na pangangatawan ng isang tao.

At dahil sa HUMID o mahulimigmig ang panahong ito ay malaki ang posibiklidad na kapitan ng AMAG ang mga pagkain.

Na dapat lamang na pag-ingatan dahil sa nagiging sanhi ito ng pagkalason sa pagkain.

Sa mga panahong ito ay pinag-iingatan nila ang tatlong pangunahing mga mikrobyo na kumakapit sa kanilang mga pagkain.

Ang mga ito ay ang CAMPYROBACTER, isang uri ng mikrobyo na maaaring makuha sa lutong iniihaw o barbecue.

Ikalawa ay itong tinatawag ng siyensiyang STAPHYLOCCUC AUREUS na nakukuha naman mula sa mga pagkaing pinakuluan sa TOYO na katulad halimbawa ng gulay, isda at meatballs.

At ang mikrobyong CLOSTRIDIUM WELCH na nakukuha naman mula sa mga pagkaing luto o gawa na.

Ang CLOSTRIDIUM WELCH na mikrobyo kumpara sa ibang nabanggit ay mahirap na sugpuin.

Dahil sa madali itong dumami at hindi napupuksa kahit na niluto o ininit pa ang pagkaing maagang inihanda na katulad ng curry, stew at mga pagkaing pinakuluan lamang.

Ang mga sintomas na nalason sa nasabing mikrobyo ay makakaramdam ang mga ito ng pananakit ng tiyan, kabag at pagtatae.

May mga pagkakataon na hindi makakaramdam ng pagsusuka at maaaring basta na lamang mawawala ang mga naramdamang sintomas sa loob ng ilang araw.

Pero pinapayuhan ang lahat ng nakaramdam ng mga nabanggit na sintomas na huwag nila itong ipagwalang bahala para maiwasang magkaroon pa ng iba pang mga karamdaman at kumplikasyon.

Payo ng mga dalubhasa para maiwasan na makapitan ng mga mikrobyo ang kanilang mga pagkain, ang ISDA, at iba pang pagkain ay nakatabi ayon sa tamang temperatura na 10 degree Centigrade o mababa, o kaya’y 50 degree Centigrade o higit pa at huwag na hayaan na magtagal ito sa temperature room ng matagal!

At huwag hayaang magtagal sa kawaki ang inyong niluto, kundi itabi agad ito sa malamig na lugar at initin muna bago ito kainin!

SHARE
Previous articleBakit ba pati mga paring Katoliko ay itinutumba na rin?
Next articleMalaysian passport gamit ni Ninoy nang mapatay
Neneth Tayao Hirano has over 20 years of experience in broadcast journalism. A graduate of Mass Communication Major in Broadcasting at Far Eastern University. Born October 28, 1955 at Plaridel, Bulacan. She started broadcaster at DWAN 1206, followed at DWGV 792 and then DZXQ 1350. A former publisher of a local newspaper -- TUDLA. And from broadcasting, she became a columnist of local papers in Bulacan, the CMT UPDATES and Bulacan Catcher. Currently, she is RONDA Balita’s columnist based in Japan.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here