Home Bulacan Local News Mga miyembro ng Bantay Bayan sinermunan ng hepe ng pulis ng Malolos

Mga miyembro ng Bantay Bayan sinermunan ng hepe ng pulis ng Malolos

162
0
SHARE

NAKATIKIM ng sermon ang labing-isang miyembro ng force multipliers na Bantay Bayan sa hepe ng pulisya ng Lungsod ng Malolos Lunes ng gabi.

Ayon sa impormasyong nakalap ng RONDA Balita Online News, kinastigo ni P/Supt. Heryl “Daguit” Bruno, Malolos City chief of police ang nasabing force multipliers makaraang umani ng batikos sa social media.

Isa umanong netizen ang nakunan ng larawan ang mga miyembro ng Bantay Bayan habang bumabaybay sa isang kalsada na sangkop ng lungsod lulan ng mga motorsiklo na walang suot na helmet.

Agad na pinatawag ni Bruno ang mga pasaway na Bantay Bayan at sinermunan.

Dagda pa ni Bruno na hindi niya kukunsintihin ang asal ng ilang pasaway na grupo at papatawan ito ng kaukulang parusa.

Pinatikitan ang mga ito ng 3 counts of no helmet policy at pinatawan ng community service at internal sanction upang hindi na pamarisan ng iba.

Muling namang nagbabala si Bruno sa mga Malolenyo na ang batas ay kanyang ipatutupad sa lahat ng nakagawa ng kasalanan.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here