Mga nagwaging brgy. chairman at kagawad na nasa narco-list, hindi pa lusot sa kaso

0
817

ANIMNAPUNG kandidato na nasa narco-list ang nanalo sa nakalipas na barangay election nung Mayo 14.

Tatlo sa mga ito ay nasa Maynila, ang 2 ay mula sa Tondo, District 2.

Dapat sana ay pinag-aralang mabuti ng mga botante kung karapat-dapat pa bang muling ihalal ang mga ito.

Ano na lang kaya ang sasapitin ng isang barangay kung patuloy na mamumuno ang mga Barangay Officials na ito? Pero huwag kayong pakasisiguro mga nasa narco list na tserman at kagawad dahil manalo at matalo man kayo patuloy ang pag-iimbestiga sa inyo ng PDEA at ng tanggapan ng aking kaibigan na si “Action Man” DILG Usec. Martin Bobot Diño nakatutok ang mga mata sa mga nasabing kinauukulan sa inyong mga mapagsamantala at mapang-api ng mga ka-barangay.

Mr. “Action Man” DILG Usec. Martin Bobot Diño

Dagdag pa ng matapang at tapat sa trabaho na si Martin Diño, tapos na ang maliligayang araw ng mga korap, sugarol, protektor ng iligal na droga at pasugalan at mga siga na mga opisyal ng barangay dahil may kalalagyan kayo.

ang inyong lingkod ay lubos ang tiwala kay Usec. Diño na lahat ng kaniyang binibitawang salita ay matutupad laban sa mga tiwaling brgy. chairman at mga kagawad subalit hindi ito magagawa ng mga katulad ni Diño kung walang suporta ng komunidad.

Dapat ding makiisa ang komunidad sa laban ng gobyerno sa mga nanalong nasa narco-list dahil kapag napatunayan ito ay may katotohanan, sabi nga sa kanta ni yumaong Francis Magalona “kung ang mukhang anghel sa kampanya ay maging demonyo sa pag-upo walang ibang may sala kundi tayo ang tao o botante, tayo ang namimili, tayo rin ang nagbabantay, kapag tuso ay lumusot tayo rin ang kawawa at makakatay”.

Kaya naman huwag tayo puro sisi sa gobyerno, sana ay hindi natin pinili ang LIMANG DAAN kesa sa TAMANG DAAN. Asahan natin na nawa ay nagkaroon ng saysay at kahulugan ang inyong boto at dapat TAMA kung hindi kayo na sampu ng mga ka-barangay mo ang TATAMAAN kapag naupo na ang mga opisyal ng barangay na binentahan ninyo, este, pinagkatiwalaan ninyo ng inyong mga boto. (RONDA Balita Online News)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here