Home National News Mga opisyal ng Aegis Juris Foundation, inabsuwelto ng DOJ

Mga opisyal ng Aegis Juris Foundation, inabsuwelto ng DOJ

485
0
SHARE

DAHIL sa kawalan umano ng probable cause ay inabsuwelto sa kaso ng Department of Justice (DOJ) ang mga trustees ng Aegis Juris Foundation.

Kabilang dito sina William Merginio, Cesar Tirol, Oscar Co, Alexander Flores, Nilo Divina, Alvin Dysangco , Henry Pablo, Gabriel Robeniol, Michael Joseph Fernandez, Allan Christopher Agati,Paulino Yusi,Arthur Capili, Arnel Bernardo at Edwin Uy.

Absuwelto rin umano sa kaso si Mark Anthony Ventura na miyembro ng Aegis Juris Fraternity matapos itong magpasyang maging testigo.

Inirekomenda naman ng DOJ sa Manila Police District (MPD) ang pagsasagawa ng panibagong imbestigasyon laban sa mga isinangkot ni Ventura sa kaso na hindi naman nakasama sa mga kinasuhan.

Kabilang dito sina Zach Abulencia,Daniel Ragos, Dave Felix, Sam Cagalingan, Alex Cairo, Luis Capulong,Kim Cyrill Roque, Ged Villanueva, Edric Pilapil at RR Magbuhos.

Non-bailable naman ang kasong paglabag sa anti-hazing law na isinampa laban kina Arvin Balag, Ralph Trangia, Oliver John Audrey Onofre, Mhin Wei Chan , Danielle Hans Matthew Rodrigo, Joshua Joriel Macabali, Alex Munrio Hipe, Marcelino Bantang, Jose Miguel Salamat at Robin Ramos.

Bailable naman ang kasong perjury at obstruction of justice na isinampa laban kay John Paul Solano. (RONDA Balita Online News)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here