Mga opisyal ng Bulacan suportado ang charter change, cultural revolution

1
371
Pinangunahan ni Bulacan Gov. Daniel Fernando kasama sina Vice Gov. Wilhelmino Sy-Alvarado at Mayor Gilbert "Bebong" Gatchalian sa pagsalubong sa isinagawang motorcade rally ng MRRD NECC mula sa Maynila hanggang sa Lungsod ng Malolos at ang paglulunsad ng Cultural Revolution na ginanap sa harap ng Barasoain Church nu'ng Sabado ng hapon (Hulyo 25). (Kuha ni Manny D. Balbin)

CITY OF MALOLOS — Nagpahayag ng suporta ang mga nangungunang opisyal sa Lalawigan ng Bulacan sa Mayor Rodrigo Roa Duterte National Executive Coordinating Committee (MRRD NECC) na naglunsad ng isang kilusan para sa Charter Change at Cultural Revolution sa patio ng makasaysayang Barasoain Church nu’ng Sabado ng hapon (July 25).

Pinangunahan ni Bulacan Gov. Daniel Fernando kasama si Bise Gob. Wilhelmino Sy-Alvarado at Lungsod ng Malolos Mayor Gilbert “Bebong” Gatchalian ang pagtanggap sa mga opisyal at miyembro ng MRRD NECC na nagsagawa ng isang motorcade rally para sa charter change na nagsimula sa harap ng National Library sa Maynila at nagtapos sa Barasoain Church sa Malolos.

Sumama sa naturang motorcade rally mula sa Maynila hanggang Malolos sina Department of Interior and Local Government (DILG) Undersecretary for Barangay Affairs Martin Diño, Bobby Brillante, National Deputy Spokesperson MRRD-NECC, Dating CSJDM Mayor Rey San Pedro-Chairman para sa Luzon, Ret. Danilo Bugay-Provincial Chairman ng Bulacan-MRRD-NECC, Bong Alonzo, Regional Chairman for Muslim Affairs, dating Cong. Omar Fajardo, Bise Presidente para for International Affairs at iba pang mga miyembro at opisyal ng MRRD NECC.

Isang maikling seremonyal ang ginanap sa harap ng makasaysayang simbahan, isang simbolikong pagsasara ng Konstitusyon ng 1987 at pagbubukas ng bagong Konstitusyon, ang iminungkahing pederal na pederal-parlyamentaryo na form ng gobyerno sa pamamagitan ng isang rebolusyong pangkultura na naganap sa pagitan ng dating San Jose del Monte Mayor Rey San Pedro, chairman for Luzon at Bulacan Vice Gov. Alvarado.

Sa maikling panayam kay Gov. Fernando, sinabi nito na buong-buo niyang sinusuportahan ang Pederalismo ni Pangulo Duterte, ang Federal Presidential-Parliamentary Form of Government.

“Naniniwala tayo sa mga adhikain ng ating pangulo, ito nga pong federalism ay napakaganda lalo na sa ating lalawigan at kung lahat tayo ay magkakaisa, hindi hadlang ang pandemya para makamtan natin ito,” ani Fernando.

Ayon naman kay Ret. Col. Danilo Bugay, Provincial Chairman na MRRD-NECC Bulacan, sinabi rin na ito ang tamang oras upang baguhin ang anyo ng ating gobyerno at gawin itong isang Federal Presidential-Parliamentary Form of Government.

“Ito na ang tamang oras para sa isang charter change at pairalin na ang isang revolutionary government sa ilalim ng isang new people’s constitution,” saad pa ni Bugay.

Nagpasalamat din ito sa mga Bulakenyos lalo na kay Gov. Fernando, Vice Gov. Alvarado, at Mayor Gatchalian sa kanilang suporta sa grupong MRRD-NECC na naglalayon ng isang Federal Form of Government.

Samantala, sinabi ni Vice Gov. Alvarado sa press conference na si Pangulong Duterte ay regalo ng Panginoon sa sambayanang Pilipino.

Hinihikayat naman ng MRRD NECC ang maraming local gov’t units at maging ang mga pribadong sektor na isulong ang federal form of government at muli itong ituloy ni Pangulong Duterte na isa sa plataporma ng kanyang administrasyon. (RONDA BALITA Online)

1 COMMENT

  1. RONDA BALITA should use “CONSTITUTIONAL REFORM” because that is the International Accepted Terminology. Therefore, Open-Minded Countries who have done Constitutional Reform COUNTLESS time can EASILY understand our Struggle in REFORMING our Country’s Rotten System.

    Also, the Presstitutes in the Philippines canNOT distort our causes for a Better and Progressive Philippines, because they are aware the purpose of Constitutional Reform, i.e. to CoRRECT or REFORM for a Better System. That’s why it is called “Reform”.

    #ConstitutionalReform
    #CoRRECTtheConstitution NOW!

    YES to “#FederalParliamentarySystem with #OpenEconomy”!

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here