Home News Report Mga pasahero dagsa na sa mga pantalan para sa darating na Undas

Mga pasahero dagsa na sa mga pantalan para sa darating na Undas

185
0
SHARE

UNTI-UNTI ng dumarami ang mga kababayan nating pasahero sa sasakay ng mga barko at lantsa sa pantalan na uuwi nang kani-kanilang lalawigan simula pa kamakalawa ng gabi hanggang ngayong araw para iselebra ang araw ng undas.

Sinabi ng Philippine Coast Guard (PCG) simula pa kahapon, araw ng linggo (Oct .29) dakong alas-6 ng gabi ay tinatayang aabot na sa 25,139 bilang ng mga pasahero umalis sakay ng mga nasabing sasakyan na hanggang ngayong araw (Oct.30) ay madadagdagan pa ang bilang ng mga outbound passengers.

Ayon naman kay PCG spokesperson, commander Armand Balilo na natanggap ng kanilang opisina na pinakamaraming naitalang pasahero na umuwi  ng probinsiya ay sa lugar ng Southern Tagalog region na may bilang na 7,813 na sinundan ng Central Visayas na may bilang na 6,877.

Ikatlo naman ang Western Visayas na may bilang na 4,098 passengers, ika-apat ang South Eastern Mindanao 3,538; Bicol 1,266; Northern Mindanao 733; habang sa Eastern Visayas ay 811.

Kahapon lamang, sinabi ng naturang tanggapan na umabot na higit sa 58,419 ang kanilang na-monitor na mga mananakay sa mga ports at pier pawang sakop ng maynila.

Una rito, inilagay na sa full alert ang lahat ng Coast Guard units sa bansa upang paigtingin pa ang mga security measures sa lahat ng mga ferry terminals maging sa mga pantalan sa buong bansa kong saan ini-isa isa ang ginagawang pag-iinpeksiyon ng mga otoridad sa mga dalang mga bagahi upang maging ligtas ang mga pasahero sa kanilang paglalakbay.

Naka heigthten alert na rin ang lahat ng units ng Regional Maritime Police-NCR sa pamumuno ni P/Sr.Supt.Baltazar Rivera upang tumulong sa pagbibigay ng mga seguridad sa lahat ng pantalan na sakop nila para sa mga pasaherong tutungo sa mga probinsya maging ang mga luluwas rito sa maynila upang dumalaw naman sa puntod ng mga yumao nilang mga mahal sa buhay.

 

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here