Home National News Mga pasahero napilitang maglakad ng magkaaberya sa LRT-1 at MRT-3

Mga pasahero napilitang maglakad ng magkaaberya sa LRT-1 at MRT-3

321
0
SHARE

DALAWANG magkahiwalay na aberya ang naganap sa tren ng Metro Rail Transit (MRT) at Light Rail Transit (LRT) na nagresulta upang sapilitang pababain ang mga pasahero nang wala sa oras sa kasagsagan pa naman ng ‘rush hour’ Martes ng umaga.

Bandang alas-6 ng umaga nang napilitang bumaba ang may 120 pasahero mula sa LRT-1 sa R. Papa station makaraang bumagsak ang air pressure gauge ng isang tren nito.

Sa nakarating na report kay Engr. Rod Bolario, director ng railway na bumalik na aniya sa normal ang operasyon ng LRT-1 matapos ang may 30 minuto.

Sa naging trahedya pasado alas-6:30 umaga naman nang pababain din ang mga pasahero mula sa MRT-3 sa pagitan ng Shaw at Ortigas stations bunsod ng electrical failure kaya naglakad ng ilang metro ang mga pasahero upang makabalik sila sa Ortigas Station.

Ayon kay MRT media officer Aly Narvaez, may nangyaring electrical failure sa isang tren sanhi ng mga bulok o lumang piyesa na nito na bagamat naantala ang ilang biyahe habang ibinabalik sa depot ang nasirang tren ay hindi naman sinuspinde ang operasyon ng MRT, pero humaba ang pila ng mga bus na piniling lipatan ng mga apektado at
nagmamadaling pasahero sa gilid ng MRT North Avenue Station.

Magugunitang daan-daang pasahero ang naperwisyo rin nitong nakalipas na Lunes ng umaga matapos na maantala ang operasyon ng MRT kung saan dakong alas-6:45 na ng umaga nagpalabas ng mga tren, 1 oras na huli sa schedule, dulot ng naganap na power supply kung saan 7 tren ng MRT na rin ang nakabiyahe na ng bandang alas-7 ng umaga.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here