Mga pasaway na Pinoy at Undas 2020, pinag-uusapan na

0
165
Opinion Column ni Vic  Billones lll

BAGO ang lahat ay bigyan muna natin ng malakas na palakpak ang kanyang kabunyihan, ang Pangulong Rodrigo Duterte, dahil sa nakuha nitong mataas na grado o simpatya ng tao, kahit na patuloy ang pananalasa ng COVID-19 at kawalan ng trabaho ng nakararaming Pilipino.

Ito ay batay sa ulat ng “The Pulse Asia survey, na sinasabing “The Pulse Asia survey, conducted last month with in-person interviews with 1,200 adult Filipinos, found 91% of respondents approved of both his performance and his personality, up from 87% and 83% respectively in December.”

Tsk! Tsk! Tsk! Diyan ako bilib sa Pangulong Duterte. Dahil makatao at maka-masa ang dating. Ang kanyang mga sinasabi ay taos sa kanyang puso. Matatawa ka sa kanyang mga biro na may halong mura, at iyan ay nasasakyan at nauunawaan ng sambayanan. Mabuhay ka Pangulo namin!

*****

Batid ba ninyo na ang ilan sa ating mga kababayan ay binabaliwala o patuloy ang pagsuway sa tagubilin ng ating Pamahalaan na umiwas sa COVID-19.

Sa aking paglilibot nitong nakaraang mga araw, matapos na maibaba ang Modified General Community Quarantine (MGCQ,) ay napansin natin na ang ilan nating kalahi ay pinagwawalang bahala ang ‘social distancing’ magkakaakbay pa at nakikipaghuntahan sa kani-kanilang mga kasama na walang suot na ‘face mask o face shield’ na labis na kinakailangan upang maprotektahan ang kanilang mga sarili laban sa malaganap na Corona virus.

Maging responsable po tayo at huwag maging makakalimutin sa mga makatuturang paalaala o payo.

 Tsk! Tsk! Tsk! Patuloy ang ating paalala na sa kasalukuyan, ay huwag maging panatag ang ating mga kalooban na hindi tayo maaapektohan ng nasabing ‘virus.’

Pagkatandaan na kapag ang isang tao ay natyempohan ng virus na hindi niya alam, at patuloy na nakikipag-ulayaw pa sa iba, ito ay posibleng kumalat at makapang-biktima pa ng maraming tao.

Muli andito ang ating babala na panatilihin ang ‘social distancing’ kinakailangan na lagiang magsuot ng ‘face mask at face shield’ kapag lalabas ng bahay at makikipagusap sa sinuman.

Ugaliing maghugas ng kamay gamit ang sabon at tubig. Kung may alcohol-based sanitizers din ay gumamit nito.

*****

Nitong mga nakaraang araw ay nailunsad na ang “BANGON COVID CARAVAN” ito ay programa ng PLDT-SMART, MACTELECOM, at BESTELCOM DISTRIBUTION INC., ginanap ang ‘launching’ nito sa Lungsod ng San Jose Del Monte (LSJDM,) Bulacan.

Kaalinsabay sa naturang palatuntunan ay ang pagbibigay ng suportang Php. 1,000 worth of Sari-Sari Store Package & Smart Products bilang pagsisimula ng Load Retail Business sa ilalim ng programang “Bangon Tindahan- Balik Kabuhayan” sa 100 benipisyaryo nito.

Ang nasaping okasyon ay pinangunahan ni Punong lungsod Arturo Robes, kabilang sila Congw Rida Robes, Dr. Dennis Booth, City Administrator at ng Consumer Development Manager of Smart Communication Inc.,Bulacan, na si G. Jerry Tulfo. Ang nasabing programa ay sinasabi sa ulat na siyang tugon sa muling pagbangon ng lungsod sanhi ng COVID-19. Ito naman ay lubos na pinasalamatan ng LSJDM sa pamamagitan ni Mayor Robes.

Tsk! Tsk! Tsk! Magandang hakbangin ito. Nabatid ng Katropa na tinalakay sa buwanang miting ng mga Puno ng tanggapan sa City hall ng LSJDM, nitong nakaraang linggo ang pagsasakatuparan ng MGCQ, sa darating na UNDAS 2020. Dito sa nasabing pulong ay binigyan pansin mga hakbanging mapag-ingatan ang mga kapakanan ng mga nakararaming tao laban sa COVID-19. Hanggang sa muli! (RONDA BALITA Online)

Previous articleCarribean Water Park Resort, bukas na sa publiko
Next articleDirek Cathy, atat nang makatrabaho si John Lloyd
VIC Billones lll was born and raised in Manila, Philippines. He started writing short stories and illustrating in Comics competitively while studying B. S. Journalism at the Lyceum of the Philippines, Intramuros, Manila, in 1977 and graduated in 1981. After graduating from college, he started to write and work in several national newspapers such as The Philippine Tribune, Liberty, KABAYAN and broadsheet Sun Star Manila as a correspondent in the Province of Bulacan. In 2003 he toured in Los Angeles California, USA, for a month. Before he left USA, he met Mr. Calvert Dacanay, then Publisher of TALIBA. Inc. Billones became a columnist and designated as Bureau Chief of TALIBA, Inc USA, based in the Philippines and he left the USA in 2011. In July 2016, Billones asked to work as Consultant for Media Affairs, for City Administrator’s Office at the City of San Jose Del Monte (CSJDM,) Bulacan. Until now, besides his job in CSJDM, he pursues his passion for writing weekly column for RONDA BALITA and RONDA Online News; Board of Editor/Columnist for SAKTO Balita; Columnist for Waterfront News, LATIGO Newspaper, Mabuhay Newspaper, CENTRO News, News Watcher and Luzon Times; Associate Editor/Columnist for KLIMA Newspaper.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here