Mga pasaway sa barangay

0
778
Opinion Column by Manny Camua Dela Cruz

HALOS isang buwan na ang nakalilipas mula nang isailalim ang buong bansa sa state of calamity at ipatupad naman ang enhanced community quarantine ay marami pa rin mga pasaway sa bawat barangay na tila hindi sila tinatablan ng nakamamatay na Covid-19 desease.

Makaraang tumanggap ng food packs buhat sa LGUs,  na ang layunin nito ay mapanatili ang home quarantine at social distancing upang hindi magkahawahan ng sakit na dulot ng coronavirus.m, sa kabila nito ay hindi pa rin maiwasan ng mga pasaway sa barangay na lumabas ng kani-kanilang mga tahanan.

Isinisingit pa rin ang kanilang mga bisyo tulad ng pagsusugal at pag-iinuman ng alak. Ang magkakapitbahay ay nag-uumpukan habang walang suot na face mask. Hindi iniintindi ang babala at paalala ng nga barangay official kaya kapag naaresto naman ay akala mo maaamong tupa.

Hindi man lang naiisip ng mga taong matitigas ang ulo ang nangyayari ngayon sa mga bansa na mataas ang bilang ng mga mamamayan nila tulad ng Italy at Estados Unidos na libo-libo ang tinamaan ng Covid-19 desease at libo-libo rin ang namatay dahil na rin sa pagbalewala ng mga mamamayan nila sa mga patakarang ipinatutupad ng kanilang mga pamahalaan.

Kapag may nakakausap akong mga pasaway, talagang tinatakot ko sila na kapag sila ay nahawahan ng Covid coronavirus ay mamamalagi sila quarantine area ng ospital at doon sila makikipaglaban sa hindi nakikitang kalaban. Sabi ko, dalawang bagay lang ang puwedeng mangyari sa kanila: Gumaling o mamatay.

Mabuti na lang at naging bansang tropiko ang Pilipinas, na mainit ang klima kaya hindi masyadong tumatagal ang buhay ng virus, maliban na lamang kung direct contact ang mga nahawahan buhat sa droplets na nasagap sa taong maysakit ng Covid.

Kaya napakahalaga ng home quarantine ang physical diatancing dahil sa ganitong paraan, hindi makakapagparami ang coronavirus. Pero kung paiiralin pa rin ang tigas ng ulo ng mga pasaway, hindi malayong matulad ang Pilipinas sa Italya na wala ng lugar doon sa mga morgue, maging sa mga crematorium ang mga bangkay na namatay dahil sa Covid.

Kinatatakutan kasi ang paghawak sa mga bangkay na namatay sa Covid kaya mahirap ang kalagayan ng mga bansang tulad natin na hindi maunlad ang mga pasilidad ng mga pagamutan. Kung ang Italya nga na pang-walo sa mayayamang ekonomiya sa mundo ay grabeng tinamaan ng Covid, ang Pilipinas pa kaya?

Kaya dapat sundin ang mga otoridad. Kapag sinabing pumirmi ng bahay, pumirmi. Pero kung ang hanap naman nila ay kalayaan sa sarili, bahala sila sa buhay nila. Kaya lang, kapag sila ay nakasagap ng Covid virus ay maiuuwi nila ang virus sa kanilang mga pamilya kaya mula sa isang infected ng Covid, nagiging sampu, dalawampu ang nahawahan dahil sa katigasan ng ulo ng mga Pinoy na pasaway. (RONDA BALITA Online)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here