Home Ok Ka Lang Mga patok at masarap na pagkain ng bansang Japan

Mga patok at masarap na pagkain ng bansang Japan

402
0
SHARE
Opinion Column by Naneth T. Hirano

KILALA ang bansang Japan bilang isa sa mga bansa na maituturing na may masasarap na pagkain. Katulad sa Pilipinas ay mayroong kanya-kanyang especialties na pagkaing mapagkakakilanlan ang bawat lalawigan o rehiyon.

Ang pagkaing Hapon ay hindi lamang sa kanilang bansa kinilala, tinangkilik o nagustuhan. Maging sa iba’t-ibang bahagi ng mundo at maging sa ating bansa ay marami din ang nagkakagusto sa mga Japanese food.

Halimbawa ay ang apat na iba’t-ibang klase ng sushi. Ang sushi rice ay isang klase ng sushi na hinahaluan ng pampalasang rice vinegar, NIGIRIZUSHI (gawa sa kamay o hand formed sushi), MAKIZUSHI (rolled sushi) at CHIRASHI SUSHI (kanin na may toppings na sariwang laman ng isda).

DONBURI ay isang mangkok na may lamang lutong puting kaning sinaing na nilalagyan ng ulam sa ibabaw. Ang madalas na inilalagay na ulam sa ibabaw ng kanin ay GYUDON (stewed beef ), TENDON (tempura), OYAKODON (chicken and egg), TEKKADON (maguro), KATSUDON (onkatsu) at KAISEDON (raw seafoods).

Isa sa kinahuhumalingan ng mga Hapon na pagkain ay ang YAKI, na ang ibig sabihin ay grilled o roasted na kilala naman sa Pilipinas sa katawagang barbecue. Ang kaibahan nga lang ay ang mismong kakain nito ang siyang mag-iihaw. Dahil ang mga Yaki restaurants ay mayroong nakadesinyong ihawan sa gitna ng kanilang hapag kainan.

Ang tawag ng Hapon sa inihaw na isda ay YAKIZAKANA. Kadalasan sa mga iniihaw nilang isda ay SAKE (salmon), SANMA (mackerel plake ) AJI (horse mackerel), HOKKE (okhotsuk atka mackerel), TAI (sea bream) AYU (sweetfish) at SABA (mackerel).

Samantalang ang tawag naman ng mga Hapon sa inihaw na karne ay YAKINIKU. Karamihan ang isini-serve nila sa kanilang mga kustomer para ihawin ay maliliit na hiwa ng karne ng baboy at baka.

Ang iba’t – ibang klase ng noodles sa Japan ay malakas at mabenta rin dahil sa kakaiba nitong lasa. Ang kakain ng noodles ang siyang masusunod sa kung malamig o mainit na noodles ang gusto niyang i-serve sa kanya nang naaayon sa uri ng panahon o klima.

Ang SOBA ay isang native Japanese noodles na gawa sa buckwheat flour o pinaghalong buckwheat at wheat flour! Ito ay may tabang katulad ng hibla ng spaghetti at nilalagyan ng iba’t-ibang toppings ng naaayon sa gusto ng kakain.

Ang UDON naman ay isa ring noodles na gawa naman sa wheat flour, mas mataba kaysa sa noodles ng Soba.

Pwede ring kainin ng malamig o mainit at lagyan ng gusto mong mga toppings na katulad ng KITSUNE UDON (fried tofu) TEMPURA UDON (tempura) o SANSAI UDON (mountain of vegetables).

Ang RAMEN naman ay isang Chinese style noodles na may sabaw at iba’t – ibang toppings na katulad ng hiniwang manok,baboy, baka o gulay.

Samantalang ang SOMEN ay katulad din ng mga Japanese noodles na gawa sa wheat flour! Mas manipis o payat lamang ito kaysa sa SOBA at UDON! Ito ay kinakain ng malamig lalo na sa panahon ng tag-init!

At ang YAKISOBA ay isang fried Chinese style noodles na sinasahugan ng ilang piraso ng hiniwang karne, repolyo, carrots at pampalasang red ginger. Maihahalintulad sa ating pancit canton ang Yakisoba noodles.

Kaya ano pa ang hinihintay n’yo, kain na sa mga Japanese resto… (RONDA Balita Online News)

SHARE
Previous article3 BOD ng Plaridel Water District, pinabababa sa puwesto!
Next articleSignal ng Globe sa Malolos, pahina ng pahina. Anyare?
Neneth Tayao Hirano has over 20 years of experience in broadcast journalism. A graduate of Mass Communication Major in Broadcasting at Far Eastern University. Born October 28, 1955 at Plaridel, Bulacan. She started broadcaster at DWAN 1206, followed at DWGV 792 and then DZXQ 1350. A former publisher of a local newspaper -- TUDLA. And from broadcasting, she became a columnist of local papers in Bulacan, the CMT UPDATES and Bulacan Catcher. Currently, she is RONDA Balita’s columnist based in Japan.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here