Mga patulug-tulog at nagtetext na mga pulis, bilang na ang mga araw n’yo

0
269

SA kabila ng kampanya ng Philippine National Police (PNP) sa kanilang internal cleansing tila parang NANADYA itong mga hindoropot na ilan sa mga kapulisan at tila nagpapaligsahan pa sa paramihan ng bawat presinto at istasyon na maraming natutulog at nagtetext.

Kamakailan lamang ay nag-ikot sa gawi ng Pasay City itong MASIPAG na NCRPO Chief Police Director General Guillermo T. Eleazar para sundin at ipagpatuloy nito ang nasimulan na kampanya ni PNP Chief General Oscar “OCA” Albayalde laban sa mga natutulog at hindi nagtatrabaho ng maayos na mga kapulisan.

Nasampulan ang hepe na si Pasay City Police Station (PS-1) PCP commander Police Chief Insp. Allan Estrada nang bisitahin ni Eleazar ang Presinto nito sa PICC at inabutan nito na nakakandado at kahit ilang beses na kinatok ni Eleazar ang kuwarto ni hepe ay walang nagbukas.

At nang balikan ang likuran bahagi ng opisina nito ay nakitang bukas ang pintuan at duon samadali’t sabi UMESKAPO si hepe dahil sa takot umano na makitang hindi siya naka-uniporme at inabutan pang naiwan ang kanyang tatlong baril at kahuhubad na pantalon.

Ang hinala ng ating bubwit ay baka daw may kasamang “CHICHING” ang hepe? At dahil may mga kasamang media si Eleazar ay tumakas ito baka daw kasi mahagip ng lente ay makita sa mga pahayagan at television… nyek ganern? Hehehe.

Sumunod na binisita at binulaga ni Eleazar ang mga Police Station sa Quezon City Police District at Northern Police District kung saan nahuli din nitong malakas ang hilik ng isang desk officer habang sa isa pang presinto sa Quezon City ay isang PO1 naman ang inabutan na natutulog sa presinto ng Talipapa.

Isang babaeng pulis ng din womens desk ang nasita dahil sa suot na sira-sirang pantalon at natutulog at sa Navotas nama ay naabutan din tulog sa isang kuwarto ang isang PO1, as usuall sermon ang kanilang almusal sa NCRPO Chief.

Samantala sa parte ng San Juan City ay nag-inspeksyon din si Eastern Police District Police Chief Superintendent Alfred Corpuz nitong nakaraang araw at nadismaya sa malatambakan ng basura na hitsura ng Greenhills Police Community Precinct at SINIBAK si station commander P/Sr. Insp. Angelbert Dumaguing. Congratulations Sir Corpuz, good job!

Duon naman sa Pasig City Police Station ay nakitang naghihilik at nakasalampak sa mga upuan ang apat pulis at dalawa ang naglalakwatsa sa kanilang mga puwesto ng mag-inspeksyon si Police Senior Supt. Orlando Yebra Jr.

Meron pa ngang mga nahuling nagtetext ng kanilang mga opisyal na taga-District Mobile Batallion Force. Dapat lang sigurong totohanin ang parusang suspensyon sa mga mapapatunayan na may mga sala or guilty as charge at huwag bigyan ng kanilang mga bonus para huwag ng gayahin at huwag ng pamarisan, tama po ba Chief Oca at Chief Guiller? Mabuhay po kayo mga Sir!

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here