Home Simple Lang Mga programa ni Cong. Jonathan, patuloy na pinakikinabangan sa kanyang distrito

Mga programa ni Cong. Jonathan, patuloy na pinakikinabangan sa kanyang distrito

120
0
SHARE

HINDI masusukat ang mga ipinakikitang husay sa paglilingkod na ginagawa ngayon ni Cong. Jose Antonio “Kuya Jonathan” R. Sy-Alvarado, dahil patuloy na tinatamasa ng kanyang mga kababayan sa Unang Distrito ng Bulacan, ang hindi mapigil at patuloy na pag-unlad ng kanilang komunidad.

Ito marahil ang kinagisnan ng batang kongresista sa kanyang butihin at masipag na ama na sa mahigit na 32 taon na ay wala pa ring sawa at walang kapagurang naglilingkod sa kanilang mga lalawigan.

Kaya naman marahil natanim sa murang kaisipan ni Kuya Jonathan na pangarapin din ang mapaglingkuran ang kanilang mga kababayan, dahil ang kanyang paniniwala ay ang paglilingkod sa bayan ay pagmamahal din sa Diyos.

Ang angking talino at kakayahan ni Kuya Jonathan simula sa kanyang pag-aaral ang siyang nagbigay ng daan upang subukin niya ang larangan ng serbisyo publiko na katulad ng kanyang ama at ina.

Dahil sa dedikasyon ng kanyang ama sa ginagawa nitong paglilingkod sa mga Bulakenyo ay natatak rin sa isipan ng mga residente ng kanilang distrito na magagawa rin ito ng kanilang Kuya Jonathan.

“Nais ko pong tularan ang mga ginagawang paglilingkod ng aking ama at ina sa mga Bulakenyo. Ang akin pong maliit na naging kaalaman at karanansan ang gagawin kong tuntungan sa paglilingkod sa aming distrito; At ang mga naging karanasan naman sa larangan ng paglilingkod ng aking mga magulang ang magsisilbi ko namang gabay at patnubay upang kung hindi ko man malampasan ang mga ginawa nilang serbisyo sa mga mamamayan ng Bulacan ay mapantayan ko man lamang ito.” ani Kuya Jonathan.

Ayon pa kay kongresista, simula pa lamang nang manungkulan ang kanyang ama bilang kinatawan noon sa Kongreso ay kasama na siya nito sa lahat ng ginagawang paglilingkod, kaya’t magiging madali na lamang sa kanya na tularan ito.

Just keep up the good work Kuya Jonathan. Our GOD will always guide you. Good luck and more power.

SHARE
Previous articleMass wedding sa Bustos town, isinabay sa silver wedding ng alkalde
Next article‘Kolektong’ sa perya na ginagamit ang pangalan ko
DAISY Medina Fischer known as “Daisy Medina” in her pen name was a graduate of Secretarial courses at the former Gregg Business College. Previously she work in to two well known foreign private insurance company, as one of the department head, until she challenges herself and joined in the media industry to practice her talent in news writing as provincial correspondent of the four national daily tabloid newspaper known as Debate, Text Balita, Police Files Tonight and HATAW sa Balita. Presently she managed a family business.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here