Home EXTRAFONTS Mga ‘pulpolitiko’ na astang news editor

Mga ‘pulpolitiko’ na astang news editor

232
0
SHARE
Opinion Column by Manny Camua Dela Cruz

ANG bawat peryodiko ang ay may kani-kanyang patnugot o editor. Mayroong editor-in-chief, managing editor at news editor. Ang tatlong titulong ito na hawak ng tatlo ring tao ang siyang bumubuo ng contents ng pahayagan sa arawang pahayagan.

Ang weekly newspaper naman tulad nitong Ronda Balita ay kinakatawan ng publisher at ng editor-in-chief. Ang ‘edtsip’ na rin ang tumatayong managing at news editor, one man band at kayang kaya ni Manny D. Balbin na solong buuin ang nilalaman nitong Ronda Balita, maliban sa column items ng mga kolumnista.

Alam ng punong patnugot ang diskarte sa make-up ng dyaryo, partikular ang page 1. Pero alam ba ninyo na may mga pulitiko nakaupo sa puwesto na kapag siya ang paksa ng istoryang isinulat ng writer sa isang pahayagan ay gusto niyang esklusibo ang istoryang isinulat reporter para sa kanya? Hehehe… ayaw niya na magkasabay na inilabas sa dyaryo ang news para sa kanya at ng istorya para sa kanyang karibal sa pulitika.

Ang tawag ko sa ganyang klase ng public official ay ‘pulpolitiko’ o pulitikong pulpol. Bakit? Dangkasi, ang dyaryo ay binubuo ng iba’t ibang balita, kuro-kuro at opinyon. Hindi iyan esklusibo sa isang indibidwal lang.

Kaya kapag nakita ng pulpolitiko na may magkasama sa isyu ng dyaryo ang news para sa kanya at ang news kapanalig, wala na siyang interes na basahin ang istorya sa dyaryo, gayong ang paksa sa istorya ay nakatuon sa kanya, kung anuman ang kanyang nagawa kahit na boring basahin ang istorya.

Heto pa ang nakadidismayang kwento ng pulpolitiko. Nagbibigay pa siya ng muwestra kung sa ipupuwesto sa front page ng dyaryo ang istoryang PR, na pabor sa kanya at kung anong size ng font ang gagamitin para sa ulo o title ng news story. Sobra na ‘to?

Kayong pulpolitiko, ang dapat sa inyo ay magtayo ng sariling pahayagan para lahat ng laman ng balita sa loob at labas ng pahayagan ay kayo ang nakabandera, at ilagay inying mukha sa isang pahina. Pwede rin naman na magpalabas kayo ng special issue sa mga lingguhang pahayagan at bayaran ninyo dahil walang libre sa pagpapaimprenta ng pahayagan.

Hindi lang pulitiko ang umaasta ng ganyan. Mayroon ding hepe ng government agencies na umaasta ring news editor ng dyaryo lalo na kung sa panloob na pahina nakapuwesto ang istorya para sa kanya kaya ang reporter na sumulat ng news ay nilelektyuran pa at sasabihin pa na bakit hindi inilagay sa frontpage ang news para sa kanya. GRABE SYA!

Anak ng tokwa. Papayag ba kayo lektyuran ng pulpolitiko at maeepal na opisyal ng gobyerno? Dapat sa mga iyan ay binabanatan ang kanilang mga aliwaswas, lalo na ang mga korap na opisyal.

SHARE
Previous articleMayor Natividad at Vice Gov. Fernando, maghaharap sa pagka-gobernador sa 2019?
Next articleAraw ng mga dakilang ina
SI Manny Camua Dela Cruz ay hindi nag-aral ng kursong dyornalismo, subalit naging bihasa sa pagsusulat ng balita, lathalain at sanaysay. Ang kanyang talento ay pinanday ng mahabang karanasan sa larangan ng pamamahayag: Photo journalist sa simula; kalaunan ay naging provincial correspondent ng iba't ibang mga pahayagang nasyonal, naging reporter ng national dailies sa Kamaynilaan at naging editor ng national tabloid, naging editor ng national weekly news magazine. Sa kasalukuyan ay editor/editorial consultant ng ilang provincial-based newspaper sa Bulacan, kolumnista at contributing editor/writer nitong Ronda Balita Online/Weekly Newspaper.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here