Home Batok sa Kaliwa, Suntok sa Kanan Mga rason kung bakit nawawalan ng ‘quality education’ sa bansa, tutukan sana...

Mga rason kung bakit nawawalan ng ‘quality education’ sa bansa, tutukan sana ng DepEd

115
0
SHARE
An opinion column by Rolando S. Gamoso

MGA ilang araw na lang ay magsisimula na naman po, mga ’igan, ang School Year 2019-2020. Dahil tapos na ang Brigada Eskwela, natitiyak ko na 100% sa mga eskwelahan ang handang-handa na para sa pagbubukas ng klase.

Kung may mga hindi pa ready, ito ’yun mga textbooks sa Grade 6 na hanggang ngayon ay kulang-kulang pa rin dahil hanggang sa ngayon, may mga public school sa iba’t ibang probinsiya sa Pilipinas ang wala pa rin ng kahit isang aklat sa subject na Filipino o sa mga iba pang subject.

Ang sabi nila noon, ready na daw ang lahat para sa K to 12 na ‘yan. Dito ko napatunayan na totoo nga ang kasabihang “madali ang magsalita pero kulang naman sa gawa”.

Sa kawalan ng textbooks, ang mga bata ang higit na naapektuhan dahil paano sila makakapag-advance reading kung wala namang silang mga aklat na gagamitin. Paano sila gagawa ng assignment?

Puwedeng sabihin ng DepEd na: “Ano ang silbi ng internet? Aba’y mag-research o mag-Google ang mga batang iyan.” Ang problema, lahat kaya ng mga bata ay may perang pang-internet o pambayad sa computer shop? Paano ‘yun mga wala? Wala na rin silang assignment, ganon?

Sa tingin ko isa ito sa mga problemang dapat tutukan ng DepEd kung gusto nilang maging maganda ang kalidad ng edukasyon dito sa bansa.

Isa pa sa mga nakikita kong rason kung bakit bumabagsak ang kalidad ng edukasyon dito sa bansa ay dahil sa mga tambak-tambak na paper works na ipinapagawa sa mga guro.

Sa dami ng mga paperwork na ipinapagawa sa kanila, hindi na sila makapag-konsentreyt nang maayos para magturo. Lagi silang stress. Puyat. Halos hindi na maasikaso ang kanilang pamilya.

Sa isang teacher na nagtuturo ng 8-10 subjects a day, na gagawa ng Daily Lesson Log o kaya’y Daily Lesson Plan araw-araw para sa mga subject na iyan, ihahanda ang mga kakailanganing intstructional materials (daily din iyan) para sa gagawin nilang pagtuturo, gagawa ng mga rush report tulad ng narrative report, inventory report, magku-coach sa mga pakontes at kung ano-ano pang ipinapagawa sa kanila, ewan ko na lang, tsk tsk tsk.

Isang napakalaking problema rin ang kawalan ng disiplina ng ilang mga bata. Hindi sila nakikinig habang nasa loob ng klase. Naging matapang at palaban na sila simula nang ipatupad ang Child Protection Policy na iyan. Nakakaya nilang sumagot-sagot nang padabog at pabalang sa kanilang mga guro.

Kung patuloy na ganito ang mangyayari, sa tingin ko 15 to 20 years from now, lalo pang babagsak ang ‘quality education’ dito sa bansa.

Tapos ang pagkakamali at kapabayaan ng departamento ay isisi lang sa mga kaawa-awang mga guro.

Mapapamura ka talaga, period!

SHARE
Previous articlePH media delegates visit Forbidden City, Great Wall of China
Next article6 suspects nabbed, 257 gathered in Bulacan police operations
Si Rolando S. Gamoso ay naging Editor-In-Chief ng dating THE AMIANAN WEEKLY EXPOSE’, isang weekly newspaper na may sirkulasyon sa buong Region I, CAR at Region II. Naging reporter/news correspondent siya for Region I sa mga pahayagang tulad ng: DAILY BALITA, TANOD Newspaper, BOMBA, PINOY PARAZZI, at POLICE FILES TONITE. Sa ngayon ay reporter/columnist siya sa THE AMIANAN BULLETIN at THE ILOCOS HERALD, pawang mga local newspaper na circulated weekly sa Ilocos Region. Maliban sa pagiging aktibo niya sa print media, aktibo rin siya sa pagiging miyembro ng broadcast media.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here