Home News Report Mga sagabal sa kalsada, inirereklamo ng mga residente

Mga sagabal sa kalsada, inirereklamo ng mga residente

274
0
SHARE
File photo ng daan sa Tondo, Maynila.

 

KUNG ang ibang barangay ay maayos na ipinatutupad ang mga programa para kaayusan at kalinisan ng kanilang kapaligiran, kakaiba naman ang Barangay 15, Zone 2, District 1 ng Tondo Manila, dahil sa pagiging inutil umano ng kanilang namumuno na mga opisyal hinggil sa matagal ng inirereklamong mga nakahambalang sa mga daan sa naturang lugar.

Sa panayam ng RONDA Balita Online News kay Aling Metring galit na ipinahayag nito ang sama ng loob sa kanilang barangay opisyal partikular na kay Barangay Chairman Eduardo Dabu dahil ilang ulit na aniya nito at maging ng mga kapitbahay nito ang matagal ng problema sa nakahambalang na mga stall sa bangketa sa kanilang lugar.

Bukod kasi aniya sa mga paninda ay nagiging tulugan na rin ang kanilang bangketa kong saan ang iba ay mistulang ginawa na ring poultry ng mga alagang manok sa tabi pa man din ng day care center na sanhi o pangamba ito sa kalusugan ng mga maliliit na bata at mahihinang baga na mga matatanda.

Ang isa rin na ikinatatakot ng mga residente sa nabanggit na lugar na hindi lamang anila sa kanilang kaligtasan ang kanilang naiisip kundi maging sa iba pang naglalakad na mga tao dahil hindi na ito magamit ang bangketa sa o kalsada na dumadaan na posibleng mahagip ng mga mabibilis na magpatakbo na mga sasakyan.

Dagdag pa ng mga galit na residente na hanggang kailan umano kikilos ang kanilang kapitan sa kanilang matagal na hinaing kong mayroon na anila na hindi inaasahang mangyaring insidente o mamatay na tao sa lugar ng San Bernabe Street corner. Zaragosa ng nasabing siyudad.

Samantala, nanawagan naman ang mga residente sa lokal na pamahalaan lalo na kay Manila Mayor Joseph “Erap” Estrada na pakibulabog ang kanilang kapitan gayundin ang pagsasagawa ng clearing operations sa kanilang lugar upang maalis na ang mga nakahambalang na paninda at sagabal sa bangketa.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here