Home Featured Story Mga sakit na maaaring makuha sa pagbababad sa aircon, electric fan

Mga sakit na maaaring makuha sa pagbababad sa aircon, electric fan

54
0
SHARE

KASUNOD ng pagdeklara ng pagsisimula ng tag-init, tiyak na marami na naman ang gagamit ng mga aircon at electric fan para hindi mainitan at makaranas ng pagtagaktag ng pawis.

Pero nagbabala ang isang doktora laban sa mga sakit na maaaring makuha mula sa pagbababad sa aircon, at dumi na maaaring manggaling sa aircon at electric fan.

Ayon kay Dr. Ma. Encarnita Limpin, mainam na tiyaking malinis ang hangin na nanggagaling sa aircon dahil kapag marumi ay maaari itong magdulot ng impeksiyon at mga sakit gaya ng pulmonya.

“May high risk na mag-spread ng infection kasi may mga bacteria na nagta-thrive doon sa mga aircon na nagko-cause ng mga atypical pneumonia,” sabi ni Limpin sa “Salamat Dok.”

Ipinayo rin ni Limpin ang paglilinis ng electric fan upang maalis ang mga alikabok at house dust mites na nagdudulot ng hika at allergies.

“Nandiyan na ‘yong mga alikabok na nalalanghap mo rin na puwedeng magkaroon ng irritation sa daanan ng paghinga mo,” aniya.

Maaari rin daw makasama ang pagbababad sa kuwartong de-aircon sabay labas sa init.

“Talagang makakasama lalo doon sa mga taong may mga hika and ang kanilang trigger ng hika nila ay extremes of temperature,” ani Limpin.

Nagdudulot din umano ng panunuyo ng balat ang sobrang tagal sa malamig na lugar.

Sinabi rin ni Limpin na walang masama sa pagpapawis dahil nakatutulong ito sa pag-cool down o paglamig ng katawan sa mainit na lugar.

“Iyong init sa labas, doon sa environment na ginagalawan natin, magre-reflect din ‘yan doon sa loob ng ating katawan, ‘yong pagpapawis,” paliwanag ni Limpin.

“Mag-cool down ‘yong katawan, ‘yong body temperature natin,” aniya.

Source: ABS-CBN news

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here