Home News Report Mga Suspek sa pinatay na kapitan, blangko pa rin!

Mga Suspek sa pinatay na kapitan, blangko pa rin!

433
0
SHARE

BLANGKO pa rin magpa hanggang sa kasalukuyan ang tanggapan ng himpilan ng pulisya sa Maynila sa pagkakakilanlan ng mga salarin at tunay na motibo hinggil sa pinaslang na kapitan ng Brgy. 20, Zone 2, San Roque St., Tondo, Maynila, na matatandaang dalawang linggo na ang nakakalipas nang maganap ang krimen.

Palaisipan pa rin sa mga nakatalagang opisyal at miyembro ng pulisya sa naturang lugar kung sinu-sino ang mga suspek na riding-in-tandem na pumaslang sa pamamagitan ng pagbaril kay Chairman Arnel Parce, 47 anyos, malapit lamang sa kanilang barangay hall ng maganap ang insidente.

Pinag-aaralan pa rin ng mga kapulisan ang kanilang mga nakalap na impormasyon base na rin sa mga taong kanilang nakausap tulad ng mag-anak at mga kapwa ka-barangay ng biktima tulad ng may kinalaman sa masigasig na pagtupad  nito sa kanyang sinumpaang tungkulin bilang chairman ng kanilang komunidad dahil anila matapat at seryoso ito sa pagta-trabaho.

Inaalam pa ng pulisya kung may kinalaman din sa dibdibang pagsugpo sa mga iligal na droga sa naturang barangay ang dahilan kung bakit itinumba ang nasabing kabesa na mahigit dalawang taong naka-panungkulan sa puwesto kumpara sa mga nagdaan mga nanungkulan.

Tingin ng mga kasama ni Parce sa barangay, posibleng may kinalaman sa politika ang motibo sa pagpatay dahil maraming gustong umagaw sa pwesto, o di kaya naman ay may nakabangga si Chairman sa maigting na kampanya nito kontra iligal na droga.

Gayunman, buo pa rin ang tiwala ng mga kaanak na naulila ni Kapitan Arce sa kakayahan ni PNP Chief General Ronald Dela Rosa na anila’y may “palabra de honor” ito ukol sa sinabi nitong pupulbusin niya o may kalalagyan ang mga pusakal na criminal sa bansa lalo na ang mga “riding-in-tandem.

 

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here