Home National News Mga taga Nueva Ecija, hinikayat na suportahan ang ‘3-point campaign’ ng Pangulo

Mga taga Nueva Ecija, hinikayat na suportahan ang ‘3-point campaign’ ng Pangulo

161
0
SHARE

GENERAL MAMERTO NATIVIDAD, Nueva Ecija — Hinikayat ni Special Assistant to the President Christopher Lawrence “Bong” Go ang mga taga Nueva Ecija na suportahan ang 3-point campaign ni Pangulong Duterte na laban sa droga, korapsyon at kriminalidad.

Ayon sa kalihim, galit na galit ang Pangulo sa droga kasi nakakasira talaga ito ng utak.

Ikinuwento niya ang kaso ng isang buntis na assistant special prosecutor sa Office of the Ombudsman na walang awang sinaksak ng isang adik.

Sa korapsyon, sinabi ni Go na una sa Pangulo ang interes ng bayan bago interes ng pagkakaigbigan kaya naman tinggal niya sa pwesto yung may bahid nito kahit na sila pa ang mga tumulong sa kanya noong kampanya.

At panghuli sa laban sa kriminalidad, nagpasalamat si Go sa mga Pulis dahil maraming Pilipino na ang nagsasabi na mas safe na ngayon ang mga lansangan.

Ipinaliwanag pa niya na dinoble ng Pangulo ang sahod ng Pulis at iba pang nasa unipormadong hanay dahil kung hindi sila suportado ay doon nagmumula yung mga sindikato.

Nasa bayan ng General Mamerto Natividad si Go upang samahan si Madame Cielito ‘Honeylet’ S. Avanceña sa inagurasyon ng iba’t ibang proyektong pang-imprastraktura. (RONDA Balita Online News)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here