Home Striker Mga teachers na peke ang masteral degree, paano masusupil?

Mga teachers na peke ang masteral degree, paano masusupil?

239
0
SHARE
An opinion column by Louie C. Angeles

MARAHIL sa ating pagtitiyaga sa pag-focus sa usaping fake na Transcript oif Record o TOR na gamit ng ilang guro at prinsipal para sa madaling ma-promote sa mataas na posisyon kahit na niloko nila ang Kagawaran ng Edukasyon ay sila pa umano ang malalakas ang loob na magmatapang sa nasabing isyu.

Paano nga kaya susupilin ng DepEd Bulacan ang mga guro na gumamit ng fake na TOR? Samantalang napatunayan na nilang mayroon talagang na-promote na teacher na peke ang sinumiteng Transcript of record. Kung ito man ay hindi mabibigyan ng kaukulang aksyon o kaparusahan ay magiging paulit-ulit lamang ang ganitong sitwasyon.

Lubhang nakababahala na ang ganitong kalokohan ng ilang teachers na ayaw ng legal na pag-aaral para tumaas sa kanilang propesyon.

Kinabukasan ng bawa’t mag-aaral ang nakasalalay sa teacher sa pampublikong paaralan kaya dapat na tunay na propesyonal ang mga guro. Hindi na meke lamang ng kanilang TOR.

Kaya naman nananawagan tayo kay DepEd Secretary Leonor Briones na mabigyan pansin ang nasabing naganap na pamemeke ng ilang mga guro para madaliin ang kanilang promosyon.

Base sa ating nakalap na impormasyon sa naunang sampung guro na bineripika ng HR ng DepEd Bulacan na nagpunta sa Philippine College of Health and Sciences (PCHS), walong teachers ang hindi graduate o hindi talaga nag-aral sa PCHS at ito ang mariing sinabi ni Mrs. Azucena Sabado registrar ng PCHS. At nagbigay naman sila ng katibayan na peke talaga ang mga TOR ng walong guro. Haisyyyyt.

Kaya naman ang pitak na Striker ay nakipag-ugnayan kay Commissioner Atty. Aileen Lizada ng Civil Service Commission at Asec. Napoleon Malaluan ng DepEd Central Office para makatulong sila sa mabilis na imbestigasyon ng masupil na mga kalokohan ng ilang prinsipal na nagbenta ng Masteral Degree.

Ilan nga kaya ang bilang ng mga na-promote na teachers at principal sa buong lalawigan ng Bulacan. Sana ay ilipat nalang ng DepEd ang mga pasaway na prinsipal na naghikayat sa mga teachers na gumamit ng pekeng TOR. At huwag naman sanang madamay ang mga matitinong principal na alang hinangad kundi ang mapaganda ang kanyang paaralang pinaglilingkuran.

Abangan po natin ang mga susunod na mangyayari sa usaping Masteral Degree for sale dito sa RONDA BALITA Online.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here