Mga TRAPO maagang namumulitika sa Bulacan?

0
127
Opinion Column by Thony DP Arcenal.

MGA kabayan, tila maaga ang usaping politika sa Lalawigan ng Bulacan dahil isa umano sa traditional politician ang kumakamada ng pasaring sa kanyang talumpati.

Kung saan mayorya ng Bulakenyo ang naguguluhan sa ingay na nilikha ni Vice Governor Wilhelmino Alvarado, bagamat walang tinukoy sa talumpating punong-puno ng paratang.

At dahil sa ingay ng dating gobernador, agad nilinaw ni Gobernor Daniel Fernando na saan man at kailanman, wala sa pagkatao niya ang magbebenta ng karapatan ng kaniyang kalalawigan, lalo na nang maliliit at walang tinig sa lipunan.

Ginawa ito nang gobernador sa Joint Forum kasama ang mga selected legislators, na naglalayon na maliwanagan ang mga lingkod-publiko sa usapin patungkol sa proyektong North Food Exchange (NFEx).

Itinindig ang pulong makaraang talakayin ng bise gobernador sa kanyang personal at kolektibong pahayag ang aniya’y nabigong nasyunal na proyekto na nagkakahalaga ng milyong piso mula sa pondo ng pamahalaan, na tila nagtuturo sa hindi pinangalanang indibidwal na diumano ay syang responsable.

At “kung lilimiing mabuti nasabi ng talumpati, tila may pasaring at pinariringgan na hindi naman pinangalanan at may isinasangkot na hindi rin tiniyak kung sinona bahagyang  nagbigay ito ng kalituhansa taong-bayan,” ani Gov. Fernando.

Dahil dito mga ’igan, iginiit ng gobernador na “tungkulin niya sa usaping ito ay ginawa niya mula pa sa simula, at patuloy nyang itataguyod ang hustisya habang  may nalalabing puwang, gaano man kaliit.”

Mga ’igan, ipinababatid niya sa lahat na wala siyang sisinuhin kapag ang kapakanan ng lalawigan ang nasasangkot.

Kinumpirma rin ng gobernador na maaari niyang muling pabuksan ang kaso sa Presiding Officer ng Sangguniang Panlalawigan.

“Kapag lumabas mga kabayan ang desisyon ng mataas na hukuman in its very final decision, at kung sa pakiramdam ng bawat isa ay hindi nanaig ang hustisya, bilang Sanggunian, may karapatan po kayo na bisitahing muli ang usapin,” dagdag pa ng gobernador.

Sa makatotohanang pagsasalaysay ni dating bokal at ngayon ay Konsehal Atty. Enrique Dela Cruz, Jr., na hinango mula sa mga dokumento mula sa Korte noong 2013, naglabas ang Sangguniang Panlalawigan na noo’y pinamumunuan ni Fernando ng isang resolusyon na nagbibigay pahintulot sa noo’y Gobernador Alvarado na magsampa ng kaso laban sa Southeast Asia Commodities and Food Exchange Inc (SACFEI).

“Sa maliwanag na salaysay, mga ’igan, hindi nagkulang ang Sangguniang Panlalawigan sa pangunguna ni Daniel R. Fernando bilang Vice Governor dahil inaksyunan naman at naglabas rin sila ng resolusyon upang maisampa ang naturang kaso,”

Mga igan, nanawagan si Gov. Fernando sa lahat na iwasan ang paggamit ng mga ganitong isyu para sa pulitikal na interes.

“Umaasa rin mga kabayan ang gobernador na matitigil na ang maling alegasyon at insinuasyon patungkol sa kanyang liderato.

Ang NFEx ay idinisenyo na maging processing, storage, at trading center ng mga produktong pang-agraryo mula sa mga lalawigan sa Norte.

Kung sana’y natuloy ang proyektong ito maraming maliliit na mamumuhunan ang mabibigyan ng hanap-buhay at marahil buhay na buhay ang ating mga magsasaka sa Northern at Central Luzon.

Para sa inyong reklamo at reaksyon mag-email lamang sa thony.arcenal@gmail.com. (RONDA BALITA Online)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here