Mga tricycle sa Malolos, maaari nang pumasada simula sa Lunes

1
3475

CITY OF MALOLOS, Bulacan — Papayagan nang pumasada ang mga tricycle dito sa nasabing lungsod simula sa Lunes (May 18) kailangan lang na sumunod sa mga alituntuning ipapatupad ng Pamahalaang Lungsod.

SA isang pagpupulong na pinangunahan ni Mayor Gilbert Gatchalian kasama ang mga pangulo ng ibat-ibang transport group sa Malolos tulad ng MMSITODA, BMPMJODA, FETODAMBI, PEJODAMCI at FETODAMBI, napag-usapan ang pagpapatupad ng mga alituntunin kapag nagsimula na ang operasyon ng mga tricycle.

Kabilang sa mga alituntunin na dapat sundin ng mga driver ay ang mga sumusunod:

  • Maaari nang mamasada ang mga tricycle simula May 18, 2020, Lunes hanggang Sabado, alinsunod sa napagkasunduang ODD-EVEN scheme.
  • Hindi na kailangan ng mga Tricycle Operators ng Quarantine Pass kapag sila ay bibiyahe. Opisyal na ID sa kanilang kinabibilangang asosasiyon na lang ang kailangan.
  • Sa designated terminal lamang sila maaaring kumuha ng pasahero. Maaari ring mag-text ang mga pasahero sa itatalagang numero ng bawat asosasiyon.
  • Hindi pinapahintulutan ang mga COLORUM, mga below 21 years old at 60 pataas na mamasada.
  • One passenger per tricycle lamang ang papahintulutan.
  • Paglalagay ng handwashing area sa bawat terminal at pagkakaroon ng regular na disinfection na pangungunahan ng Malolos CDRRMO.

Kabilang din sa mga dumalo sa nasabing pagpupulong sina Kon. Mikki Sotto, Kon. Ega Domingo III, City Administrator, Francisco Domingo Jr. PNP-Malolos Chief P/Lt. Col. Jacquiline Puapo, Chief of Police at Cesar Caluag. (RONDA BALITA Online)

Previous article2 drug sellers nabbed in Guiguinto buy-bust operation
Next articleBulacan COVID-19: 8 new cases and 5 patients recover; appeals for ECQ extension
Emmanuel "Manny" Dineros Balbin, an editor-in-chief of RONDA Balita, Lingguhang Pahayagan ng Masang Intelihente, and RONDA Balita Online News was a former seminarian of Oblates of Mary Immaculate (OMI) in Notre Dame University Seminary in Cotabato City. Graduated Philosophy as major course, Political Science as minor, at the University of Santo Tomas, Legaspi City but landed and became a journalist. A former Journal Group of Publication (People's Journal, Peoples Tonight, Taliba & Women's Journal) staffer for 17 years. Before he was simultaneously contributed news articles to 3 local newspaper in Bulacan (NewsCore, MetroNews & NewsWatcher). A former Journal Group Bulacan correspondent, Kabayan provincial reporter, 2010 Bulacan election correspondent by Rappler and presently, a stringer of Philippine News Agency (PNA) Bulacan.

1 COMMENT

  1. Sir ask ko lng if may byahe na din FX from Tabang to San Fernando by May 18. Work po kc sa munisipyo ng sn fdo. Pls advise po. Tks

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here