Mga UV Epress na biyaheng Cubao-Calumpit dapat imbestigahan ng LTFRB

0
109
An opinion column by Louie C. Angeles

MARAHIL ay hindi batid ng mga tauhan ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) at Land Transportation Office (LTO) kung Colorum ang mga UV Express na bumibiyahe sa regular nilang ruta.

Noong Disyembre 19, 2019 ay may naganap na vehicular accident na kinasangkutan ng UV Express na kinasawi ng driver nito sa tindi ng pagka bangga nito sa kapwa sasakyan.

Ang masaklap nito ang kanya palang minamanehong UV Express ay hindi legal o masasabing colorum dahil ang plaka ng naturang van ay walang record sa tanggapan ng LTFRB. Base sa kinatawan ng LTFRB, kawawa naman ang pamilyang naulila ng driver dahil wala silang mahahabol ng anumang benepisyo sa may ari ng UV Express.

Marahil napapanahon na para maalarma ang LTFRB at LTO na may mga kapalsuhang ginagawa ang ilang operator ng UV Express na magkatugma ang plaka, chassis at motor number ng mga nabanggit na sasakyan na bumibiyahe sa Calumpit-Cubao.

Ilang buhay pa ba ang magbubuwis sa kamay ng walang pusong operator na hindi man lamang tinulungan ang pamilya ng driver ng UV Express. (RONDA BALITA Online)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here