Minasa Festival 2020, Isang dekada na!

0
445

BUSTOS, Bulacan — Pormal ng binuksan ang Ikaisang Dekada ng Minasa Festival 2020 na ginanap sa sa BMA Park, Bakuran ng Pamahalaang Bayan, Brgy. Poblacion sa nabanggit na bayan nu’ng Lunes (Jan 13).

Ang nasabing okasyon ay pinangunahan ni Mayor Francis Albert Juan at Vice Mayor Arnel Mendoza, miyembro ng Sangguniang Bayan at mga Bustosenyo habang panauhing pandangal sina Senator Ramon Bong Revilla Jr., PNP Regional Director Brig. Gen. Rhodel Sermonia, at Bulacan Provincial Director Police Col. Emma M. Libunao.

Ang pagdiriwang ngayong taon ay may temang ‘’Minasa Festival 2020: Minasang Dekada”. Ang gayak para sa Minasa Festival 2020 ay binubuo ng mga mapanghalinang kulay tulad ng pula, puti, asul, gray, dilaw, violet, rosas, brown, orange at itim. Sampung kulay na pinagsama-sama para sa isang daynamiko at mapanghikayat na mukha ng Ikasampung Minasa Festival ng Bustos.

Ayon kay Mayor Iskul Juan, ang ika 10th Minasa Festival ay naging hudyat upang makilala ang bayan ng Bustos hindi lamang sa Pilipinas kundi maging sa buong mundo.

“At nasabing festival na ay sumasagisag ng pagkakaisa ng bawat Bustosenyo kung saan itoy tagumpay ng bawat mamamayan sa pagpapalakas ng bagbibigay pangkabuhayan para sa lahat,” ani pa ng alkalde.

Kasabay na pagdiriwang ng 10th Annual Minasa Festival ang 103rd Founding Anniversary ng bayan ng Bustos.

Ang naturang festival ay tatagal ng sampung araw para sa ikasampung taon pagdiriwang ng Minasa.

Ito ay tatampukan ng mga piling mga programa o palabas tulad ng Tara, Yugyugan Na! Zumba Competition, Tarasakalye: Kick-off Ride; Gabi ng BulSU;
Tara na sa Bustos: Produkto ta Kalinangan ng Bustosenyo; Big One Surprise: Music Festival; Tara, Tugtugan na! Tricycle lights and sounds competition; Tara at Sungkutin ang Guinness’ Book of World Records “Biggest Cookie Jar” at Parangal sa mga Natatanging Bustosenyo.

Sinimulang ipagdiwang ang Minasa Festival noong taong 2011 bilang isang malakihang promosyon sa pamosong Biskit na Minasa at makahikayat ng mga turistang bisitahin ang iba pang pasyalan gaya ng Bustos Dam. Ayon kay Zeny De Lara, isang premyadong gumagawa ng Minasa sa Bustos sa nakalipas na 60 taon, pinalakas ng taunang Minasa Festival ang mga kabuhayan ng mga tagarito dahil dumami ang gumagawa ng Minasa. May dagdag na ulat si Manny D. Balbin

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here