Minasa Festival ng Bustos, higit pang pinalakas

0
132
An opinion column by Louie C. Angeles

MATAPOS ang ika-10 taong pagdiriwang ng MinasaFestival sa bayan ng Bustos ay labis na naging matagumpay at maipagmamalaki ng bawa’t Bustosenyo.

Tanging pagkakaisa mula sa mga namumuno sa Pamahalaang Bayan sa pangunguna ni Mayor Francis Albert “Iskul” Juan at ibang samahang sibiko at suporta ng bawat mamamayan ang susi ng proyektong magpapalakas para higit na makilala ang bayan ng Bustos.

Sa 10th Minasa Festival ang naging susi upang makumbinse ang mga malaking negosyante na pumasok at maglagak ng puhunan at makapagbigay daan na magkaroon ng hanap-buhay ang mga kabataan ng Bustos para sa magandang kinabukasan ng bawat kabataan.

Hindi lamang ang Minasa ang itinanyag sa sampung araw na pagdiriwang, maging ang ika-103 taong pagkatatag ng bayan ng Bustos. At ang lahat ng produktong gawa ng mga Bustosenyo na No.1 na pinagkakakitaan ng mga maliliit na negosyante sa nasabing bayan.

Kabilang sa kanilang mga produkto ay ang Barquillos Wafer Rolls, Lengua De Gato, Crispy Mushroom. Bukod sa mga pagkain ay maipagmamalaki din nila ang mga garments industry.

Ayon kay Mayor Juan, proud sila sa kanilang MINASA Festival na nagpakita ng tunay na pagkakaisa sa ng bawa’t mamamayan at kaya naman sa unang pagkakataon ay tatangkain nilang ilahok sa Guinness Book Of World Records ang Biggest Cookie Jar. (RONDA BALITA Online)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here