Minimithing Bulacan Tourism Summit, naisakatuparan

0
476

NAISAKATUPARAN ng Provincial History, Arts, Culture Office (PHACTO) ang minimithing Bulacan Tourism Summit kasabay ng paglulunsad ng Gawad Singkaban 2017 kamakailan.

Bilang isang sangay ng Pamahalaang Panlalawigan,  may mandato ito na maipagmalaki ang mga magagandang tourist destination sa ating lalawigan.

Dr. Eliseo S. Dela Cruz, PHACTO chief

Ayon kay Dr. Eliseo S. Dela Cruz, PHACTO chief, ang naturang summit ay pinangunahan ni Bokal Ma. Lourdes H. Posadas, Tagapangulo, Komite, Sining, Kultura at Turismo, sa Sangguniang Panglalawigan, dahil sa kanyang initiatibo na mas lalo pang maiangat at makilala ang buong lalawigan ng Bulacan sa buong mundo sa larangan ng turismo.

Naging panauhing tagapagsalita sina Asec. Frederick Monsod Alegre Assistant Secretary, Office of Public Affairs – Comunications and Special Projects (OPACSP) Department of Tourism; Engr. Resurrecion L. Aspuria, Manager Const, Management Department TIEZA.

Dumalo rin sa naturang summit Dr. Danilo Faustino ng Office of the Governor, Bokal Emily Isidro-Viceo, PPDO Arlene Pascual at Gigi San Felipe Carrillo, head PAO.

Nagpapasalamat naman si Dr. Dela Cruz sa suportang ibinigay nina Governor Wilhelmino Sy-Alvarado, Vice Governor Daniel Fernando at sa bumubuo ng Sangguniang Panlalawigan ng Bulacan.

Ipinapaabot din ng PHACTO chief ang pasasalamat sa lahat ng tourism officer sa buong lalawigan, mga municipal administrator at sa mga head ng Tourism sa bawat bayan at lungsod, na dumalo sa summit at nakinig sa sinabi ng mga tagapagsalita.

Inaasahan na naging produktibo ang ginawang talakayan at patuloy pa ring mapapanatili na ang Bulacan ay babalik-balikan, dahil sa taguri ditong Land of Thousand Fiesta.

Dagdag pa ni Dela Cruz, nais niya ring pasalamatan ang mga katuwang sa pagtataguyod ng Turismo sa lalawigan, tulad ng Bulacan Tourism Council sa pangunguna ni  Allan Jart Tengco, at sa mga bumubuo ng BHROA, BESA, BATA, BARO, BWEL, Bulacan Agri Tourism, Association of Tour Guide, at sa BCTVB.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here