Home National News Misis at kalaguyo, patay sa saksak ni mister habang nagtatalik

Misis at kalaguyo, patay sa saksak ni mister habang nagtatalik

124
0
SHARE

PATAY sa saksak ang isang babae at lalaki na nahuling nagtatalik umano sa loob ng bahay sa Barangay Gupitan sa bayan ng Kapalong sa Davao del Norte kamakailan.

Nabatid na ang suspek sa pananaksak sa dalawa ay mister umano ng babane.

Base sa imbestigasyon ng pulis, sabay na pumunta si mister kasama ang misis nito sa bahay ng lalaking kaibigan nila para kumuha ng mga patatas.

Umuwi ang asawang lalaki para kumuha ng basket.

Pagbalik nito sa bahay ng kaibigan, nakita niya umanong nakahubad na ang dalawa at nagtatalik.

Sinaksak ng suspek ang dalawa nang ilang beses gamit ang bolo.

Nasa kustodiya na ng Kapalong Police ang suspek.

Source: ABS-CBN News

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here