Home Top Story Misis at kalaguyong barangay captain, huli sa hotel sa San Jose, NE

Misis at kalaguyong barangay captain, huli sa hotel sa San Jose, NE

1876
0
SHARE

SAN JOSE CITY, Nueva Ecija — Kasong pangangalunya o adultery ang kakaharapin ng isang misis at ang kalaguyo nitong barangay captain makaraang mahuli sa loob ng isang hotel na pawang walang mga saplot nu’ng Martes ng umaga (April 9) dito sa nabanggit na lungsod.

Sa ulat ni P/Lt. Col. Heryl Bruno, hepe ng San Jose City police, kinilala ang magkalaguyo na sina Ma. Cecilia Tubiera, 32-anyos, may-asawa, residente ng Zone 10A, Abar 1st at Librado Dulay, barangay captain, 58, may-asawa at naninirahan sa Zone 7, Abar 1st, San Jose City.

Ayon kay Bruno nasundan ni mister ang kanyang misis habang lulan ng bus papunta sa naturang lungsod.

Pumuwesto umano ang mister sa likuran bahagi ng kanyang asawa kaya narinig nito na makikipagkita ito sa kalaguyo sa Kalapaw Hotel, sa Brgy Caanawan sa nasabing lungsod.

Nang makumpirmang na nasa loob ng hotel ang dalawa bandang alas-11.35 ng umaga ay agad na tumawag ng mga pulis ang mister at mabilis na ipinadakip ang asawa at kalaguyo nito.

Inabutan pa umanong nakahubad ang babae habang tumakbo sa CR ang lalaki nang pasukin ng mga pulis. (RONDA Balita Online News)

SHARE
Previous articleGubernatorial Candidates’ Forum 2019, naging payapa
Next articleGuro nanakawan ng P30,000 sa ATM switching modus
Emmanuel "Manny" Dineros Balbin Editor-in-Chief An ex-seminarian of Oblates of Mary Immaculate (OMI) in Notre Dame University Seminary in Cotabato City, and graduated Philosophy as major course, Political Science as minor, at the Aquinas University of Legaspi City. But landed in Journalism. A former Journal Group of Pub lication (People's Journal, Peoples Tonight, Taliba & Women's Journal) PT staffer for 17 years, simultaneously contributed to 3 local newspaper in Bulacan (NewsCore, MetroNews & NewsWatcher). A former Journal Group provincial correspondent, Kabayan provincial reporter, 2010 Bulacan election correspondent by Rappler.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here