Home Bulacan Local News Misis na hiniwalayan ni mister, nagbaril sa sarili

Misis na hiniwalayan ni mister, nagbaril sa sarili

138
0
SHARE
Ang biktimang si Emma Roaring Roco, 43-anyos, residente ng Blk. 1, Phase 1, Lot 23, San Jose Heights, Brgy. Muzon habang hawak pa ang kalibre .45 na ginamit nito sa pagpapakamatay.

CITY OF SAN JOSE DEL MONTE, Bulacan — Mapait ang naging kamatayan ng isang 43-anyos na ginang matapos piliin nitong magpakamatay sa pamamagitan ng pagbabaril sa sarili sa loob ng pampasaherong jeep makaraang hiwalayan ng kanyang mister dito sa nasabing lungsod nu’ng Huwebes ng madaling araw (Oct. 10).

Ang pampasaherong jeep kung saan natagpuan ang labi ng biktima.

Sa ulat ni P/Lt. Col. Orlando Castil Jr., CSJDM Chief of Police, kinilala nito ang biktima na si Emma Roaring Roco, residente ng Blk. 1, Phase 1, Lot 23, San Jose Heights, Brgy. Muzon.

Naganap ang insidente ayon kay Castil ng bandang alas-4 ng madaling araw sa Brgy. Dulong Bayan.

Base sa inisyal na imbestigasyon, mismong ang asawa nitong si Richard, 40 anyos, ang nakadiskubre sa katawan ng biktima na naliligo sa sariling dugo sa loob ng jeep ng kanilang garahe na hawak pa ang isang kalibre .45 na ginamit nito.

Nabatid sa ulat na nagkaroon ng seryosong pag-aaway ang mag-asawa nitong nakalipas na araw na naging sanhi ng paghihiwalay ng mag-asawa.

Patuloy pa rin ang isinasagawang imbestigasyon ng mga otoridad upang malaman kung may nangyaring foul play sa nasabing insidente.. (RONDA BALITA Online)

Source: Balitang SJDM

SHARE
Previous articleHusay at galing ng LSJDM, kinilala
Next articlePublic school teacher, nurse, gov’t employee nabbed for drugs in Bohol
Emmanuel "Manny" Dineros Balbin, an editor-in-chief of RONDA Balita, Lingguhang Pahayagan ng Masang Intelihente, and RONDA Balita Online News was a former seminarian of Oblates of Mary Immaculate (OMI) in Notre Dame University Seminary in Cotabato City. Graduated Philosophy as major course, Political Science as minor, at the University of Santo Tomas, Legaspi City but landed and became a journalist. A former Journal Group of Publication (People's Journal, Peoples Tonight, Taliba & Women's Journal) staffer for 17 years. Before he was simultaneously contributed news articles to 3 local newspaper in Bulacan (NewsCore, MetroNews & NewsWatcher). A former Journal Group Bulacan correspondent, Kabayan provincial reporter, 2010 Bulacan election correspondent by Rappler and presently, a stringer of Philippine News Agency (PNA) Bulacan.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here