Mistulang nakawala sa kural

0
683
Opinion Column by Manny Camua Dela Cruz

MISTULANG mga baka na nakawala sa kural ang naging kalagayan ng mga kababayan nating Bulakenyo, makaraang isailalim sa Modified Community Quarantine ((MECQ), ang buong lalawigan ng Bulacan. Ang unang dinagsa ng mga consumer ay ang mga grocery at supermarket hindi para makapamili ng grocery items kungdi ang makapamili ng alak.

Masyadong nasabik sa paggala ang mga tao at lalong kinasabikan ang alak na halos dalawang buwan nilang hindi natikman, bagaman at may mga nakalulusot na mag-inuman ng alak kahit noong umiiral pa ang liqour ban sa Bulacan.

Maging ang mga kilalang mall sa lalawigan ay dinagsa ng mga tao at hindi alintana ang panganib na sila ay mahawahan ng coronavirus. Ang hindi kasi alam ng maraming Pinoy na kahit walang sintomas ng Covid ang tao pwede siyang carrier o tagabitbit ng hindi nakikitang killer virus na kung tawagin sila ay asymptomatic

Ang tao kasing COVID positive ay hindi malalapitan dahil sila ay naka-quarantine at ang iba naman ay nasa pagamutan, kaya itong mga asymptomatic ang nakapagkakalat ng coronavirus. Hindi kasi nila alam na sila ay carrier ng COVID-19 kaya habang kahalubilo sila ng mga tao ay nakapaghahawa sila ng sakit.

Kaya nga, mahigpit ang pagpapatupad ng physical distancing lalo na sa matataong lugar tulad ng mall at supermarket. Pero kung sobrang kampante ang mga mallgoer at ang mga mamimili sa supermarket na hindi nag-aalala na mahawahan sila ng virus ay malamang na madoble o matriple ang bilang ng covid positive sa Pilipinas dahil sa kawalang-ingat ng ating mga kababayan.

Pakakatandaan na walang pang idinedeklarang gamot o bakuna ang World Health Organization (WHO) na panlaban sa coronavirus bagama’t may walong kandidato na pinagpipilian kung alin sa mga ito ang esensiyal na panggamot sa Covid desease. May sinabi si Dr. Willy Ong, na may isang bagong tuklas anya na gamot na tinawag na Remdesivir, na nagagawang kontrolin ang virus.

Marami pa umanong pag-aaral na ginagawa ang mga health authorities kung puwede nang ideklara ang naturang bagong tuklas na gamot na panlaban sa Covid 19. Humahanap na umano ang mga eksperto sa larangan ng medisina ng mga pang-alalay na gamot sa Remdesivir upang makagamot ito ng 100 porsiyento sa covid patients.

Kaya habang wala pang lunas sa COVID-19 desease, dobleng pag-iingat ang gawin. Pumirmi na muna sa inyong mga bahay dahil kapag kayo ay gumala nang gumala at nahawahan kayo ng virus ay dadalhin ninyo si COVID sa inyong mga bahay upang hawahan ang inyong mga kasama sa bahay.

Mahirap na lumaban sa unseen enemy kaya ang dapat nating gawin ay mag-ingat na mabuti at isiping lagi na nandiyan lang sa tabi-tabi si COVID at palaging humahanap ng tiyempo para sila ay makalipat sa kanilang bagong host o katawan ng mga taong mahilig gumala, kahit na may restriksyon. (RONDA BALITA Online)

Previous articleBAYANIHAN SPIRIT
Next articleAngeles City government employees get midyear bonus
SI Manny Camua Dela Cruz ay hindi nag-aral ng kursong dyornalismo, subalit naging bihasa sa pagsusulat ng balita, lathalain at sanaysay. Ang kanyang talento ay pinanday ng mahabang karanasan sa larangan ng pamamahayag: Photo journalist sa simula; kalaunan ay naging provincial correspondent ng iba't ibang mga pahayagang nasyonal, naging reporter ng national dailies sa Kamaynilaan at naging editor ng national tabloid, naging editor ng national weekly news magazine. Sa kasalukuyan ay editor/editorial consultant ng ilang provincial-based newspaper sa Bulacan, kolumnista at contributing editor/writer nitong Ronda Balita Online/Weekly Newspaper.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here