Home National News Miyembro ng ‘Ipit Gang,’ arestado

Miyembro ng ‘Ipit Gang,’ arestado

165
0
SHARE

PASAY CITY — Kalaboso ang tatlong lalaki na hinihinalang mga miyembro ng ‘Ipit Gang’ makaraang mahuli sila ng mga kagawad ng pulisya nang biktimahin nila ang isang pasahero ng bus sa EDSA, Malibay, sa Pasay City nitong Huwebes ng gabi.

Inilahad sa tanggapan ng Pasay City Police Station ng biktimang si Hector Villegas, Jr., na nakatayo lamang ito sa bus nang bigla na
lamang ipitin siya at siksikin ng tatlong kalalakihan.

Ilang saglit pa, naramdaman ni Villegas na may isa pang lalaking
nangangapa ng cellphone sa kanyang bulsa at kara-karakang bumaba ang 4 nitong kasapakat sa bus.

Antimanong sinundan ng biktima ang mga salarin subalit naaresto ang
tatlo sa mga ito habang nakatakas ang isa sa kanila.

Sa pag-iimbistiga ng mga otoridad, nabatid na pawang mga miyembro rin pala ang mga ito ng “Sputnik Gang” at dati nang nakulong sa kulungan, kaya hindi pinaniwalaan ng mga otoridad ang kanilang palusot na napagbitangan lang sila ng biktima. (RONDA Balita Online News)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here