Home News In Photo MMDA, planong gawing permanente ang late operating hours ng mga mall sa...

MMDA, planong gawing permanente ang late operating hours ng mga mall sa EDSA

371
0
SHARE

BALAK imungkahi ng Metro Manila Development Authority (MMDA) na gawin ng permanente ang kasalukuyang alas 11:00 ng hatinggabi na operating hours ng mga mall at ipagpatuloy ang pagde-deliver ng mga non-perishable goods tuwing gabi.

Ayon kay MMDA assistant general manager Jojo Garcia, nakapagtala sila ng 10% na pagbilis sa travel speed sa EDSA mula sa huling bahagi noong Nobyembre 2017 hanggang simula ngayong Enero 2018 sa kasagsagan ng implementasyon nito.

Ang late hours na pagbubukas ng mga malls sa kahabaan ng EDSA ay magtatapos sa darating na Lunes o Enero 15, 2018 sa pakiusap na rin ng MMDA sa mga pamunuan ng naturang establisyamento mula noong Oktubre 15, 2017.

Magugunitang ipinatupad ito ng MMDA noon para matulungang mapagaan ang mabigat na daloy ng trapiko sa EDSA lalo na sa kasagsagan ng rush hours.

“Full blast” na ang programang “Build, Build, Build” ni Pangulong Rodrigo Duterte ngayong 2018 na alam niyang may posibleng epekto sa daloy ng trapiko,” ayon pa kay Garcia at aniya para rin sa publiko ang mga gagawing imprastraktura naman ng gobyerno.

Samantala, nagpulong kahapon (Biyernes) ang MMDA at ang mga mall operators kung saan kanilang pinagpasyahan kung sasang-ayon sila sa panukala ng MMDA na gawing permanente ang late opening hours at iprinisinta sa nasabing pagtitipon ng mga mall operators ang kanilang mga datos kung paano makakaapekto sa kanilang negosyo ang pag-iiba ng kanilang operating hours.

Tiniyak naman ng naturang MMDA general na hindi nila pupuwersahin ang mga mall operators dahil sila ang mas bihasa sa ganitong mga bagay at hindi aniya ang nabanggit na ahensiya ng gobyerno, kaya naman sila din ang makapagsasabi kung nalulugi sila sa ganitong sistema.

Humingi rin ng tulong si Garcia sa mga stakeholders at malls na kung puwedeng paghatian ang kakarampot na kalsada sa sandamakmak na mga sasakyan at gawing shifting ang paggamit ng lansangan. (RONDA Balita Online News)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here