Home Showbiz Morissette nag-walk out sa bday concert ni Kiel Alo!

Morissette nag-walk out sa bday concert ni Kiel Alo!

59
0
SHARE

SUCCESS ang birthday concert ni Kiel Alo na ginanap sa Music Museum the other night (November 6) titled ‘Ako Naman.’

Ang gaganda ng mga selected songs na kinanta ni Kiel.

Unang salang pa lang niya sa stage ay nagpamalas agad siya ng medley songs

Napakataas ng ipinakitang energy ni Kiel nu’ng gabing ‘yun at may sexy dance pa siya with Aira Bermudez ng Sexbomb.

Maging ang part ng selected Erasershead songs na pinagsamahan nilang apat na bagets singer – Kiel, Carlo Mendoza, LA Lopez at Kyle Matthew Manalo ay pinalakpakan nang husto ng audience.

Nagpakitang gilas din ang mga oldies singer na sina Jun Pulistico at Eva Eugenio.

Ang finale song number ni Kiel ay very touching – Colors of the Wind at ang This Is The Moment.

Pero ang inaasahang dalawang great singer na sina Morissette Amon at Janno Gibbs ay ‘no show’ sa birthday concert.

Actually nu’ng nag-umpisa na ang concert ni Kiel ay naroroon na si Morissette to do her part.

But sad to say ay hindi kumanta ang Phoenix singer.

Humingi ng paumanhin si Jobert Sucaldito, ang producer ng ‘Ako Naman’ na hindi makakanta si Morissette dahil umano sa biglaang pangyayari.

Sinabi pa ni Nay Jobert na nasa backstage si Morissette at para maniwalang naroroon ang singer ay ibig ni Jobert na sa paglabas ni Morissette ay kumaway man lang siya sa mga manonood.

Maging ang handler ni Morissette ay nagsalita on Morissette’s behalf.

Ang siste, pagkatapos magsalita ng handler ng singer ay agad-agad na nagmamadaling lumabas si Morissette, but never siyang kumaway sa audience tulad ng kagustuhan ni Nay Jobert.

Nasa audience ang isa sa mga sponsors ng show na sina Daisy Romualdez at Annabelle Rama, dating mga veteran actress.

Si Daisy, hindi maiwasang magalit na habang lumalabas ang grupo ni Morissette ay naglilitanya siya sa ginawang pag-walk out nito.

After ng concert ni Kiel ay na-interview namin si Kiel para hingan ng statement sa pagwo-walk out ni Morissette.

Eksplika ni Kiel: “Actually, nagrehearse naman po kami ni Morissette para sa aming duet number. Nagawa na namin ‘yung part na dapat naming kakantahin.

“Nang in-interbyu kami ni Kuya Mario Dumaual tinanong niya si Morissette tungkol sa kanyang ama.

“Sinagot naman niya. In-explain na…. parang lahat ng pinaglalaanan niya in all. Tapos parang na-offend siya.

“Sabi ni Tito Mario, ‘kamusta kayo ng tatay mo.’ Na-hurt siya. Tapos sabi ni Tito Mario ‘di bale hindi matitiis ng isang tatay ang isang anak.’”

Doon na raw umiyak nang umiyak si Morissette.

Pinaglulubag ni Kiel ang loob ng singer at sinabi niyang ‘Prayers… Idasal lang… Pray ka lang walang imposible kay Lord.”

Kwento pa ni Kiel, after daw ng dance number nila ni Aira nalaman niyang inuntog daw ni Morissette sa pader ang kanyang ulo.

‘Tapos ‘yun hindi na siya nakakanta umiyak na nang umiyak… siguro ganu’n nga kasakit.’

Tanggap naman ni Kiel ang nangyari, kaya the show must go on.

Pero, para sa kanya whatever happens… namatayan man or what… tatapusin daw niya ang show.

Hinggil naman daw kay Janno. Masayang-masaya siya nang ipaalam ni Jobert na um-oo si Janno mag-guest sa kanyang birthday concert.

Hindi na raw sila nagpraktis dahil alam na raw ni Janno ang gagawin.

‘Nag-usap naman kami sa Instagram. At um-oo nga siya. Siya pa ang nagsabi ng ‘see you tonight,’” sambit ni Kiel.

Nagbiro pa si Kiel, ‘dalawang tao na iniwan ako sa concert… hahaha.’

Anyway, congrats Kiel for your first major concert.

Hindi naman naging kawalan ang dalawang singer na nag-iwan sa ‘yo sa gitna ng ere dahil super na nag-enjoy ang mga manood ng iyong show. (RONDA BALITA Online)

SHARE
Previous articleDaring pictures ni Nadine Lustre ‘pinaglaruan’ ng netizens
Next articleNetizens ‘dismayado’ sa Holocaust Memorial post ni Angelica
BETH Gelena was a formerly a part-time showbiz writer and staff of People’s Tonight Entertainment Section under Julie Fe Navarro for almost two decades. Beth decided to leave the Journal office in Port Area, Manila and chose to become freelance and full-time showbiz writer of several national daily newspapers such as Police Files Tonite, Abante Tonite, Pilipino Mirror, Pinas at Bagong Toro. She is now entertainment writer of Bulgar newspaper. Betchay is also an active member of the Philippine Movie Press Club.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here